Problemado | Mga pabahay na ipinatayo ng Aquino admin, hanggang ngayon hindi pa tapos



Itinampok sa programang Failon Ngayon ng ABS-CBN ang proyektong pabahay ng dating Administrasyong Aquino na pinangasiwaan ng National Housing Authority (NHA) kung saan makikita ang mga kahinaan nito sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Mula pa umano sa mga biktima ng dumaang bagyong Yolanda hangga’t sa mga bakwit na idinulot ng Zamboanga Siege ang mga pabahay na ito kung saang makikita na halos HINDI naitapos ng maayos ang paggawa.
Nakapanayam ng programa ang OIC Engineer ng NHA-Visayas na si Eng. Grace Guevarra na isinalaysay ang dapat sana ay ang naaangkop na katangian ng mga pabahay kagaya ng:




*Can withstand 250km wind load capacity

*Can withstand 7.4 magnitude earthquake

*Fire resistant at least up to 2 hours

Subalit, tila naiba ang nasa plano kaysa kinalabasan ng aktwal na bahay nang nailarawan ng ilang mga residente ang kanilang mga karanasan sa mga bahay kagaya lang ni Brian Pugoy na dalawang taon nang naninirahan sa Iligan Bay Vista Village na base sa kaunting kaalaman niya sa Construction.




Ayon kay Pugoy, maraming pagkakamali sa paggawa ng mga units tulad ng paggamit ng kawayan lamang sa mga pre-cast na likurang bahagi ng bahay at hindi bakal na sana’y makakapag-patibay ng mga ito.

Baluktot at tabingi naman daw ang mga nagawang bintana ayon kay Orlando Perez na naninirahan din sa parehong lugar.

Isiniwalat din sa dokyumentaryo na inabot ng P79.16 Million ang halagang ginastos para sa proyektong pabahay ng mga bakwit ng Zamboanga Siege sa Barangay Tulungatung, Zamboanga na problemado din ang kinalabasan.

Buong komunidad naman ng New Bataan Resettlement Project 2 ng Barangay Andap, Compostela Valley ang nalagay sa peligro dahil landslide prone area umano ang kinatatayuan ng mga pabahay na ginawa ng NHA na nakalaan para sa mga nahagupit ng bagyong Pablo.




Samantala, batikos naman ang inabot ni Ted Failon sa segment ng dokyumentaryo dahil hindi umano nilinaw ng beteranong mamamahayag kung kaninong administrasyon pa nagsimula ang problemang pinalibutan ng mga naturang pabahay. Nadadamay umano ang Pangulong Duterte sa kapalpakan ng Administrasyong Aquino.

Panoorin ang video sa ibaba:



***
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.