PARI sa Misamis Oriental, minolestiya ang sakristan



Posibleng maharap sa kasong Child Abuse ang isang pari na kinabibilangan ng Iglesia Filipina Independiente matapos inireklamo ng isang menor de edad ng pang-momolestiya.
Nakilala agad ang suspek na si Fr. Camilo V. Hallazgo, may asawa at residente ng Mulogan El Salvador, Misamis, Oriental.
Inakusahan ang suspek ng isang 16 na taong gulang na binatilyo na nagsisilbing sacristan ng simbahang IFI sa Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng RMN news sa biktima, nangyari umano ang insidente nito lamang ika – 9 ng Abril habang nagsusukat ito ng kanyang isusuot na sutana na gagamitin sa misa para sa nasabing simbahan.




Nang naabutan ng pari, nagulat na lamang ang biktima nang ito’y pinakandong at biglang sinimulan ang kahalayan.

Ayon naman sa ama ng biktima na isinalaysay ang pangyayari, sinimulan muna ng suspek na himasin ang katawan ng binatilyo kabilang na ang pribadong bahagi nito hangga’t nagawa nang halik-halikan ang kanyang leeg at bibig.

Ini-ulat na ang pari sa tanggapan ng Police Station 4, Carmen sa kasong paglabag ng Republic Act 7610 o pisikal na pang-aabuso sa mga bata.




Umani naman ng sari-saring komento mula sa netizens ang ginawa ng pari.

Norbie Lacap: CBCP AYAN UMIRAL.NA NMAN ANG KA DEMONYOHAN NG MGA PARI NINYO NANG RAPE NA NMAN NG SAKRISTAN .CHR BKA NMAN MAY INTEREST KA MAG IMBESTIGA SA KRIMEN NA GINAWA NG KAKAMPI NINYO PARI KAWAWA NMAN BAKA MAKULONG YAN.

Efraim Suson: Di talaga kayang maikubli ang katutohanan at lalong di mapatunayan na silay tunay at banal. Peewee? Ang lakas ninyong magpasaring sa pangulo at Kung kayoy magsalita sa altar at sa pananamit ninyoy puting puti, piro sa loob pala nito maitim na balak at kababuyan ang gusto ninyo? Yan ba ang tunay at banal na pari? Grrrr! Nakakabwesit to?

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.