Pangakong hindi napako! MRT-3 maluwag na matapos ang puspusang maintenance



PANGAKONG HINDI NAPAKO – Galak na ibinalita ng Department of Transportation (DOTr) na umabot na hanggang labing-lima (15) ang kasalukuyang naipapatakbong Train ng MRT-3 sa mga riles nito.
Sa kabila ng halos araw-araw na aberyang naitala simula ng pagpasok ng taon, nagampanan naman ng pamunuan ng MRT-3 ang pagtugon sa kaliwa’t-kanang problema nito kama-kailan sa mga isyu sa mga bagon at riles sa loob lamang ng mahigit isang buwan.
Ito ay mahigpit din na pinabantayan ni Senate Committee on Public Services na si Senator Grace Poe na isa sa mga dumalo sa naganap na Pagdinig sa Senado noong Pebrero 20, 2018 ukol sa mga isyung kinabilangan ng MRT-3.




Ayon sa panayam kay Poe, sinabi nito na "Sa aming pagdinig, ilalabas na namin talaga yung mga may kasalanan nito kaya tayo nagka-abot abot sa ganito. Gustuhin man nating madaliin ito, ang totoo nito nagbunga ito dahil sa kapabayaan at sa pagiging kurakot umano ng mga hindi nagorder ng mga parts na kailangan natin,".

Ang pagbabagong katulad nito ay agad namang naramdaman ng isa sa mga regular na manananakay ng tren kabilang ang isang Netizen na si Markfil Tersol na tila ay namangha sa kanyang nasilayan lulan ng isa sa mga bagon kumpara sa madalas na karanasan nito sa araw-araw na pag-commute.




Ipinakita niya sa kanyang Facebook post ang maayos na kalagayan ng mga kasabayan niyang pasahero na komportable ang pagkaka-upo at ang maluwag na pagitan nito na kadalasan ay punong-puno ng nagsisiksikang pasahero. ‘Mali yata ako ng nasakyang MRT coach’ – ayon sa caption ng kanyang post.

Kinumpirma naman ito ng DOTr sa kanilang Facebook page na ang pagbuti kagaya nito ay naging sanhi ng naganap na Annual General Maintenance nitong dumaang Semana Santa at regular na din na pagdating ng mga kinakailangang piyesa ng train.




Naglahad din ng karagdagang pahayag ang DOTr sa Comments section nito na nagsasabing:

“Doon po sa mga nagtatanong kung mawawala na po ang pila dahil 15 trains na, ang sagot po ay hindi.

Having 15 trains running in the revenue line will partially address the problem of long queues, but there will still be some lines.

Our next target is to increase the availability to 20 trains when the new rehabilitation and maintenance service provider comes in.

But, we expect that the more we increase capacity, the more people will come.

Just a little background, our maximum actual ridership is 622,880 passengers, that was recorded August 2012.

15 trains of 3-car configuration can carry 405,000 passengers per day, while 20 trains (3-car) is designed to carry 540,000 passengers per day. Hence, even if we increase availability to 20 trains, this is expected to only partially address the lines.


To finally address queues, we need to achieve our later targets of 20 trains of 4-car configuration which can carry 720,000 passengers per day, and eventually 25 trains with 4 cars each set which can carry 900,000 passengers per day.

So long as we keep moving forward towards 25x4 operating trains, that’s progress that little by little our MRT-3 riders will feel. #SulongMRT3 #DOTrPH”

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.