PALIT ULO: Pamilya Demafelis sa alok na ‘blood money:’ Hindi pera, kundi hustisya



HUSTISYA, hindi PERA ang nais makamit ng pamilya Demafelis sa kabila nang sinapit ng yumaong OFW na si Joanna Demafelis, na dati nang naibalitang natagpuang patay sa loob ng freezer sa Kuwait.
Nagmatigas at tumanggi umano ang mga kamag-anak ni Joanna sa alok na “Blood Money” ng mag-asawang sangkot sa pag-paslang ng pinay overseas worker.
Kasunod ito nang inilahad ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Pamilya Demafelis ang pahayag ng Kuwaiti Criminal Court sa hatol na Death Penalty o Kamatayan para sa mag-asawang sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun.




Ayon sa nakakatandang kapatid na si Jojet Demafelis, “hindi pera kung hindi hustisya para sa pagkamatay ng kanilang kapatid at kaanak ang kailangan ng pamilya”.

Bahagya din umanong naibsan ang pagdadalamhati ng kanilang pamilya dahil sa hatol na ipinataw ng Gobyerno ng Kuwait sa mga salarin.

Dati nang naihandog ni Bello ang life insurance ni Demafelis na nagkakahalaga ng mahigit pa sa Php 700,000 sa pamilya nito.




Nanindigan naman ang Pangulong Duterte na TULOY PA RIN ang ipinahayag na deployment ban ng mga pinoy na nagnanais makahanap ng trabaho sa mga bansang Arabia hangga’t hindi pa pormal na naisakatuparan ang naipadala nang “Bilateral Agreement” ng Pilipinas at Gulf States para sa kapakanan ng mga OFW.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, ang pag-hatol sa mga salarin ni Joanna ay hindi sapat na kabagayan para itigil ang total deployment ban ng mga Pinoy OFW sa Kuwait.




"I don't think so. I think it's still the agreement between the two countries on the manner of treating our OFWs that will matter, not the matter of the couple being brought to justice," ani Guevarra.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.