Pagdiin kay Noynoy ukol sa Dengvaxia, pantakip isyu sa pagpapasara ng Boracay – LP



Ayon sa partidong Liberal Party (LP), ang paglabas diumano ni Senador Richard Gordon sa report ukol sa Dengvaxia scandal na nagdidiin kay dating Pangulong Noynoy Aquino ay pantakip umano ng baho ng kasalukuyang administrasyon.
Kinuwestiyon ng opposition ang timing ng paglabas ng ulat dahil halatado ito upang pagtakpan ang mga isyu na kinasasangkutan ng administrasyong-Duterte.
Ayon kay dating Rep. Erin Tanada, Vice President for External Affairs ng LP, bakit inilabas na umano ni Sen. Gordon ang report gayung hindi pa ito nababasa ng mga miyembro ng blue ribbon.

Ayon kay Rep. Tanada, kaduda-duda ang hakbang ni Gordon dahil itinaon pa ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang  Boracay.




Nagbigay din ng opinyon si Sen. Bam Aquino at sinabi nitong magkaka-isyu kung lalabas na ang ulat ni Gordon ang siya na rin magiging final report dahil tila nabahiran na ito ng politika.

Sinabi rin ni Aquino na walang nabanggit si sen. Gordon na may mga namatay na dahil sa Dengvaxia.

Matatandaang naglabas ng pahayag si sen. Gordon tungkol sa Dengvaxia scandal na dapat kasuhan si Aquino kasama sina dating Budget Sec. Butch Abad at dating Health Sec. Janette Garin.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.