Mga basang balota, nadiskubre muli mula sa hometown ni Robredo



Kasabay ng manual recount ng mga boto noong nakaraang vice presidential race, muli nanamang nakadiskubre ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ng mga basang balota mula mismo sa hometown ni Vice President Leni Robredo.
Bukod sa mga basang balota, ang mga ballot box mula sa Camarines Sur ay naglalaman ng damo.
Dahil dito sinabi ng kampo ni Marcos na matibay na ang ebidensya na nagpapatunay na sa simula palang ay meron nang nangyayaring dayaan.

Matatandaang sa unang araw palang ng mano-manong recount ay nakitaan na ng anomalya ang isinasagawang Vice Presidential vote recount.




Bukod pa sa mga basang balota at tatlong ballot boxes na may mga sira, lumilitaw na mas marami din daw umano ang bilang ng boto kaysa mga aktwal na botante sa isang presinto.

Kabilang pa rin ito sa Cluster Precinct #45 ng Bato, Camarines Sur kung saang may nasaksihang 348 ang bilang ng mga rehistradong botante ngunit, 376 naman di-umano ang kabuoang bilang ng bumoto. May sobrang 28 na balota na tila ay “pre-shaded” na at naisama sa bilang ng pangalan at kredito ni Leni Robredo.

Isiniwalat ito ni Atty. Vic Rodriguez ang Legal Counsel ni Marcos. Dagdag ng abogado, hindi na daw ma-rebisa at isinantabi nalang daw ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang mga nabasang balota at yung tatlong ballot box na may damage.




Iginiit din nito, walang pakay ang kampo ni Marcos na “dungisan” ang manual recount taliwas sa bintang ng abogado ni VP Leni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal na nilalarawan nila bilang mga “DESPERADO” para lamang makalamang.

Aniya, "Maduming-madumi po. Binaboy ng Liberal Party, binaboy ni Mrs. Leni Robredo ang halalang ito. At ito na nga, lumalabas na ho yung mga ebidensya, eh ayaw naman po nilang tanggapin. Sabi nila, gusto nila ang katotohanan, heto na po ang katotohanan. Subalit yung katotohanan na lumulutang ay masaklap po sa kanila sapagka't sila yung author ng dayaang ito."

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Source: rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.