Macalintal, supalpal kay Atty. Rodriguez: Apat lang ang nabasa, ang galing naman nung bagyo



Kaugnay sa nakitang anomalya sa unang araw na isinagawang Vice Presidential vote recount, bumwelta ang tagapagsalita ng kampo ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na nagsasabing NAKAKADUDA talaga ang pangyayari dahil ‘pili’ lamang umano ang balotang nabasa at ang mga balotang may ‘undervotes’ pa ang pinuntirya.
Dagdag pa ni Rodriguez, panlilinlang lang umano ang pahayag ng abogado ni VP Leni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal na una nang nagsabi na tinamaan daw ng bagyo ang Munisipalidad ng Bato, Camarines Sur na naging sanhi nang pagka-basa ng mga naturang balota.
Ayon sa kanya: “Let me just correct, that again ‘panlilinlang’. Ang bagyo po na sinasabi nila maaring tumama sa Municipality of Bato, Camarines Sur at lahat po ng balota na yan ay naka-deposito sa Municipal Treasurer’s Office ng Bato, Camarines Sur.”




Iginiit din ni Rodriguez na “Pero bakit yung apat lamang ang nabasa, ang galing naman nung bagyo, ang galing naman nung ulan. Yung apat na kung saan napakataas ang undervotes, yun ang kanyang nabasa o binasa. Samantalang yung remaining ay hindi.”

Una nang dumepensa si Macalintal para sa kampo ni Robredo na nagsabing “common” naman daw o KARANIWANG pangyayari ang magkaroon ng insidenteng nasisira ang mga balota kagaya nang PAGKABASA at wala umanong masama dito, aniya.




Ang kawalan naman daw ng Audit Logs ng mga balota ay hindi din makaka – apekto sa resulta dahil isa lang din umano itong “technical defect” at hindi naman naglalaman ng aktwal na bilang ng boto.

“Hindi porke’t wala ‘yung audit logs ay mayroon nang anomalya… Naku, huwag kang maniwala doon. Kay daming nawawala, nakaligtaan. But will it affect the results of the elections? No! Because this is a technical defect,” – sambit ni Macalintal sa isinagawang press briefing.




Maliban sa Camarines Sur, kasama din ang lalawigan ng Iloilo at Negros Oriental sa tatlong nabatid na ‘Pilot Provinces’ na pinili ni Marcos para sa recount ng mga boto higit kumulang 5,000 presinto kung saang lumamang ng 1.2 Milyong boto si Robredo.

Panoorin ang video sa ibaba:



***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.