Lolo, pinagkaitan ng mauupuan sa PGH, kinandado pa ang mga upuan



Kaawa-awa ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang Senior Citizen nang siya ay pina-alis ng tiga - Philippine General Hospital (PGH) Staff sa kanyang kina-uupuan.
Ayon sa post na isiniwalat ng Facebook page na Trending News Viral, hinayaan lang ng mga PGH Staff na nakatayo lang sa isang sulok ang matanda nang ikinandado na ang mga upuan (monobloc) dahil bawal umano itong ipagamit ‘KAHIT KANINO’.
Nakakahabag damdamin ang tila hindi makataong pagtrato ng mga staff na ito sa nakatatanda. Wala naman umanong sapat na basehan kung bakit may ganitong sistema ang Ospital sa gayo’y klaro naman sa pinakitang larawan na wala gaanong tao sa gawing iyon kung nasaang nakatayo lamang si Lolo.




Ang orihinal na katha ay pinagmulaan sa Facebook post ng isang concerned Netizen na nag-ngangalang Mheng Degala Rustia na ang layunin ay iparating sa kinauukulan ang naturang pangyayari.

Basahin ang buong post sa ibaba:

"Guys! Eto po yung Senior Citizen na pinaalis ng staff ng PGH sa kinauupuan dahil hindi daw pwede gamitin ang mga upuan sa ospital ng kahit sino, hinayaan po nilang nakatayo na lang si Lolo at ikinandado ang mga upuan.. hindi ito makatao sa mga nakakatanda, sino ba dapat ang pwedeng gumamit ng mga upuan? at bakit kaylangan ikandado ang mga upuan? tatanda rin naman kayo kaya dapat maunawaan nyo sitwasyon nh mga matatanda.. paki SHARE na lang po para makarating sa kinauukulan kung bakit may ganitong sistema sa Philippine General Hospital.."



Umani naman ng batikos mula sa iba’t-ibang Netizen ang ginawang ‘pagmamaltrato’ ng PGH Staff sa kawawang matanda .

Ayon kay Yriceg Natamcag Rañac, “Darating ang panahon na tatanda sila at may gagawa nian sa kanila mas malala pa at marerealize nila ang ginawa nila Kay loko..”

Nanggagala-iti naman si Melvin Nuñez na nagsasabing: “Ang Dami ng upuan kahit 1 hnd pdng ipahiram may utak ba yan baka naman nasa talampakan naturingang may pinag aralan ganyan ang ugali sibakin nyo na yan. At ung ng utos na bawal ipagamit ung upuan”.




Tila sanay na si Emmanuel Goma sa pamamalakad ng naturang ospital dahil ayon sa kanya: “Kupal talaga yang mga nag work jan sa PGH kung trumato talaga cla ng pasyente pag mahirap eh winawalang hiya nla at kung pede lng pabayaan ung pasyente na walang pambayad sa hosp.eh pabababyaan nlng nla mamatay sa isang tabi ganyan cla mang walang hiya ng pasyente jan....ganyan cla mang busabos sa mga pasyente na walang pambayad....”

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


No comments

Powered by Blogger.