Leni bumisita ng London, sinalubong ng Protesta ng mga Pinoy



Nagsama-sama ang mga miyembro ng Die-hard Duterte Supporters (DDS) at Bong-Bong Marcos (BBM) Supporters sa labas ng London State of Economics sa Inglatera para salubongin ng protesta si Vice President Leni Robredo.
Sa hindi tukoy na layunin o agenda, inanyayahan ng naturang Unibersidad si Robredo sa loob ng campus na nag udyok naman ng maraming Pilipino na magka-isa at harapin ang isyung kasalukuyang kinasasangkutan ni Robredo ukol sa pandaraya nito noong Halalan.
Handa rin umano ang mga ito na komprontahin ang Bise Pangulo sa anumang “fake news” na ipapakalat nito upang siraan ang administrasyong Duterte.




Layunin din ng pagtitipon na patunayan kay Robredo na hindi sila mga TROLLS taliwas sa nauna nang pahayag nito na isang “well-oiled infrastructure” lamang di-umano ang karamihan sa mga sumusuporta kay Bong Bong Marcos.

Kita naman sa isang bidyo na kuha ng isa sa mga miyembro ng DDS ang kanya-kanyang paggawa ng mga karaniwang placards na nagsasabing “No to Fake VP”, “We are the proof, we are not trolls”, “balota binasa para makapandaya”, at iba pa.

Panoorin ang video sa ibaba:


Samantala, kantiyaw naman ang inabot ng mga pinoy na supporter ni Robredo na may gana pang magpakita ng suporta sa kanya kahit lilima lamang sila. Ang limang ito ay kumakatawan na sa grupong Democratic Alliance Movement of the Philippines – International (DAMPi) at Global Alliance for a Humane Democratic Society (GAHDS).




Nagbahagi din ng mga larawang palihim na kinuha sa loob mismo ng campus ang DDS Blogger na si Mike Acebedo Lopez kung saang nakikita ang kinaroroonan ni Robredo. Ayon sa kanyang Facebook post, “#Spotted: ATM, Leni Lugaw in London. Thanks to my trusty spies in the United Kingdom for the regular updates. #007”.

Naniniwala naman ang karamihan sa mga Netizen na tumugon sa naturang post na maghahasik lamang ng “fake news” si Robredo at patuloy na pagpapaniwalaan ang mga dayuhan na inosente ang Partido Liberal laban sa mga alegasyon.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.