Kampo ni Leni kay Marcos: Incidents of damaged ballots are common; nothing irregular with that



Sa pagsisimula ng pagsisimula ng manual recount dito ng Presidential Electoral Tribunal (PET), pinabulaanan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang umanoy iregularidad na nakita ng kampo ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilang ballot boxes.
Itinggi ni Atty. Romulo Macalintal, legal counsel ni Robredo na merong pananabotaheng nangyari matapos ang naging pahayag ni Marcos na pawang basa na nang binuksan daw ito para sa manual recount.
“Incidents of damaged ballots are common; nothing irregular with that,” ani Macalintal.




Aminado naman si Macalintal na ilang balotang nabasa ngunit iginiit nitong hindi ito sinasadya at nandigang walang pananabotaheng naganap.

Huwag din daw paniwalaan ang pinalulutang ng dating senador na mayroong nawawalang audit log.

“Hindi porke’t wala ‘yung audit logs ay mayroon nang anomalya… Naku, huwag kang maniwala doon. Kay daming nawawala, nakaligtaan. But will it affect the results of the elections? No! Because this is a technical defect,” sambit ng abogado ni Robredo.

Una ng sinabi ni Marcos na 42 precincts sa Bato, Camarines Sur, 38 precints ang walang audit logs at sinadyang basain ang mga balota.




“Basa. So hindi magamit. Hindi namin maintindihan papano, imposible naman siguro na dalawang taong basa yan…Palagay ko, kailangan talaga pag aralan kung paano nangyari yan. Ibig sabihin kasi kung may nagbasa, may nagbukas nung ballot box,” saad ng dating senador.

Ang audit log ay naglalaman kung anong oras nagbukas ang isang presinto, oras kung kailan nagsimula ang botohan at kung anong oras nagsara.

Mayroon din mga cracks na nakita sa gilid ng mga ballot box na kanilang ininspeksyon.




“Oo, may seal, pero ‘yung iba, butas eh. May butas ‘yung isang ballot box na nakita, tapos tinapalan na lang ng masking tape,” ani Marcos.

“Clearly, somebody binuksan ang ballot box, kinuha ang audit log, bago isineal ulit,” dagdag pa nito.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.