Gen. Albayalde sa tamad na pulis: ‘May kalalagyan kayo’



Matatandaang nanumpa na ang bagong talagang pinuno ng Philippine National Police Chief (PNP) si NCRPO Chief Director Oscar Albayalde.
Pinalitan ni Albayalde si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, samantala itatalaga naman si Dela Rosa sa Bureau of Corrections.
Nagbabala naman kaagad si incoming PNP chief at NCRPO Director Albayalde sa mga pulis na hindi ginagawa ng tama ang tungkulin at mga tatamad-tamad sa kanilang trabaho.

Kamakailan lang ay nasaksihan ng taumbayan ang pagiging istrikto ni Albayalde at ilang pulis na ang kanyang pinarusahan at pinasibak sa puwesto dahil sa naaktuhan nito mismong nakainom at tulog mismo sa police station.




Ibinunyag din ni Albayalde na gagawin din nya ulit ang mga surprise inspections, gayunman ay dahil hindi nito mabibisita ang lahat ng himpilan ng pulisya sa buong bansa, pakikiusapan niya ang mga commanders on the ground upang magsagawa ng surprise inspections.

Iginiit din ng bagong talagang PNP Chief na resposibilad nilang maayos ang mga trabaho ng kanilang mga opisyal.




Ayon pa sa heneral, hindi ito magdadalawang isip na sibakin sa puwesto ang kung sino mang nagpapabaya sa kanilang trabaho.

Kaya naman umapela si Albayalde sa mga pulis sa buong bansa na suklian ng maayos ang pagseserbisyo sa taumbayan.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.