Fliptop artist na si Zaito, arestado matapos makitaan ng Shabu



Tinaguriang isa sa mga pinakamagaling na rapper sa mundo ng Professional Rap na Fliptop Battle League, Zaito, arestado matapos makuhanan ng 3 pakete ng shabu.
Si Pedro Canon Jr. o mas sikat sa kanyang rap name na Zaito, 37 taong gulang, ay inaresto ng mga awtoridad sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite noong Martes, Abril 10.

Ito ay ayon sa nag-trending na balitang isiniwalat ng pang-umagang newscast show na Unang Hirit sa GMA na umabot na sa higit 16,000+ na shares at 400,000+ na views sa Facebook Page ng GMA News sa loob lamang ng dalawang oras.




Tanyag man sa larangan ng Pinoy Rap, naging sikat din si Zaito sa karakter na ginampanan nito bilang Nick mula sa patok na drama series ng ABS-CBN na “Ang Probinsyano”.

Nauna na umanong nakipag-ugnayan si Zaito sa Cavite Police noong Pebrero para sumali sa Oplan Tokhang Jingle bilang pag-bigay suporta nito sa Anti-Drug campaign.

Tumanggi naming magbigay pahayag si Zaito na nakatakdang sampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Netizens lalo na sa mga fans ng FlipTop Battle League at sa mga sumusubaybay sa ‘Ang Probinsyano’.

Dominic Padua: “malamang utos yan ni Kapitana Gina.. yari ka kay Cardo pag nalaman yan!”

Gokou Javan: “Malamang ganti yan ni Lola Flora, palihim na nag utos sa mga kaibigang pulis ni Dalisay na pasukin ang bahay nyang traydor n yan. lol”

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.