Duterte gov't handa ng mag-produce ng sariling plaka ng sasakyan



Upang masolusyonan na ang matagal nang suliranin sa plaka, administrasyong Duterte nagpasyang bumili na lamang ng plate-making machines.
Layunin nito na mapabilis ang pag-tugon ng malaking kakulangan ng Land Transportation Office (LTO) sa pamamahagi ng mga plaka na umabot na sa mahigit kumulang 6 Milyon simula pa noong July 2016 hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, mas maigi umano kung ang Pilipinas na mismo ang gumawa ng sarili nitong plaka kaysa umasa pa sa ibang bansa sa paggawa nito na lalong nagpapatagal lamang sa proseso.




Sa kanyang pahayag noong Abril 08, 2018, isinaad nito na “Ayaw na nating maulit ‘yung problema sa plaka. Kaya naman mas maigi kung tayo na lang mismo ang mag-manufacture kaysa nagpapagawa pa abroad na nagpapatagal lang ng proseso. With the proper equipment and training, kaya naman natin,”

Ayon naman sa ulat ng PTV News, dumating na ang naturang makinarya noong Pebrero 26 bilang bahagi ng kontratang napagkasunduan ng gobyerno sa winning bidder nito na Trojan Computer Forms Manufacturing Corporation at JH. Tonnjes E.A.S.T. GmbH Joint Venture.




Nakasaad sa kontrata na 5 plate-making machines muna ang ipapadala sa bansa subalit kusang dinagdagan ito ng contractor para sa pansamantalang paggamit ng walang karagdagang singil.

Kayang gumawa ng hanggang 22,000 plaka bawat araw ang 7 units ng Manual Embossing Machine nito samantalang hanggang 12,000 plaka naman sa Automated Embossing Machine na inaasahang dadating na sa bansa sa buwan ng Hulyo.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.