Dayaang Matuwid | 348 ang rehistradong botante ngunit, 376 ang kabuoang bilang ng bumoto



NAGKA-ALAMAN NA – Bukod pa sa mga basang balota at tatlong ballot boxes na may mga sira, lumilitaw na mas marami din daw umano ang bilang ng boto kaysa mga aktwal na botante sa isang presinto.
Kabilang pa rin ito sa Cluster Precinct #45 ng Bato, Camarines Sur kung saang may nasaksihang 348 ang bilang ng mga rehistradong botante ngunit, 376 naman di-umano ang kabuoang bilang ng bumoto. May sobrang 28 na balota na tila ay “pre-shaded” na at naisama sa bilang ng pangalan at kredito ni Leni Robredo.
Isiniwalat ito ni Atty. Vic Rodriguez ang Legal Counsel ng dating Senador na si Bong Bong Marcos sa panayam nito kay Erwin Tulfo sa PTV News, Biernes ng gabi. Dagdag ng abogado, hindi na daw ma-rebisa at isinantabi nalang daw Presidential Electoral Tribunal (PET) ang mga nabasang balota at yung tatlong ballot box na may damage.




Iginiit din nito, walang pakay ang kampo ni Marcos na “dungisan” ang manual recount taliwas sa bintang ng abogado ni VP Leni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal na nilalarawan nila bilang mga “DESPERADO” para lamang makalamang.

Aniya, "Maduming-madumi po. Binaboy ng Liberal Party, binaboy ni Mrs. Leni Robredo ang halalang ito. At ito na nga, lumalabas na ho yung mga ebidensya, eh ayaw naman po nilang tanggapin. Sabi nila, gusto nila ang katotohanan, heto na po ang katotohanan. Subalit yung katotohanan na lumulutang ay masaklap po sa kanila sapagka't sila yung author ng dayaang ito."




Pilit namang pinag-bibitiw ni Atty. Macalintal si Atty. Rodriguez dahil aniya sa pagbibigay ng mga maling impormasyon at payo sa kanyang kliyente.

Depensa naman ni Atty. Rodriguez, mas mainam na silang mga abogado ay panatiliing maitaas parin ang level of discourse imbis na umatake ng personal. Hindi naman aniya magbabago ang ebidensiya na tumutukoy sa malaking pandaraya noong 2016 election. Yun ang dapat aniya sagutin ng kampo ni Robredo at ibuhos ang lahat ng lakas at attention kaysa umatake ng personal.




“But we are convinced...na ito ay unang linggo palang ito, Sir Erwin eh ang dami na ho naglabasang mga maligno't milagro at patuloy ho yung bilangan next week, naniniwala kaming marami pang madidiskubreng mga anomalya.”  - ayon akay Atty. Rodriguez sa pagtatapos ng kanyang panayam.

Panoorin ang video sa ibaba:



***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.