Bus Driver, binawian ng buhay sa loob ng bus matapos pagtrabahuin ng 1 month ng walang day off



Patay na ng matagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang driver ng Bataan Bus Transit sa loob mismo ng isa sa mga bus nito habang natutulog.
Viral ngayon sa social media ang pag-panaw ng isang driver sa kadahilanang nakaranas umano ito ng ‘over fatigue’ o labis na pagkapagod na naging sanhi na din ng pag-atake sa puso habang ito ay naghahabol lamang ng kanyang pag tulog.
Ayon sa isiniwalat ng online news community sa Facebook na BALITA TOL, bagama’t may edad na ay pilit parin nitong magtrabaho at mamasukan bilang bus driver na may kontrata na hanggang dalawang taong paninilbihan sa naturang bus company.


Mahigit isang buwan daw umanong walang dayoff si tatay at pinilit pang pinag-trabaho na kahit walang sapat na pahinga dahil bagong takda lamang ito. Ayon ito sa salaysay ng nagpapakilalang bayaw ng matanda na nagngangalang Roip Euman sa kanyang Facebook account na nananawagan din sa pumunuan ng Bataan Bus Transit na panagutin ang sinapit ng kanyang kaanak.

Aniya, bukod sa sampung libong sahod lang nito kada buwan, sa sariling bus lang daw umano ito pinapahintulutang matulog. Hindi man lang daw umano pinamadali ang pag-uwi ng bangkay mula sa Terminal ng Avenida kung saan ito binawi-an ng buhay hangga’t sa probinsiya nito sa Bataan. Hindi din umano nag – abot kahit ng panlibing lamang ang pamunuan ng naturang bus company.


Pinag-iwan ni Tatay ang tatlo niyang anak. Dalawa sa kanila ay tapos na sa pag-aaral at ang bunso ay isang taong gulang pa lamang.

Ito ang hinaing ni Roip Euman sa kanyang Facebook post:

“Calling the attention of BATAAN TRANSIT MANAGEMENT. AYAN PAGMASDAN NINYO MABUTI ANG BAYAW KO...10k lang ba ang halaga ng buhay ng mga driver nyo jan? Pagkatapus nyong pagtrabahuin ng almost 1 month na walang day off ang bayaw ko at sa loob lang ng bus ninyo pinapapatulog tpus sasbihin nyo kesyo bago plang ang bayaw ko kaya yan lang ang halaga na maitutulong nyo?.

Inatake sa puso ang bayaw ko kung sana binigyan nyo ng kahit ilang araw lng na pahinga ang bayaw ko di sana nksama nya ang pamilya nya.sana nkita man lang nya ang 2 anak nya na nag tpus sa pag aaral. Sna na karga o nbuhat at nkapag laro p xa sa 1 year old baby nya? Talk shit kayo lahat mga muka kayong pera. 

Ngaun gusto nyo kme pa gagastos ng pagpapalibing e diba nsa puder at loob ng bus ninyo ng bawian ng buhay ang bayaw ko? At wla kyo ginawa pra mpadali ang paguwi ng bangkay ng bayaw ko mula Avenida manila to bataan! Wla man lang kyo considerations sa mga driver nyo. Employed ang bayaw ko sa company nyo at nka sign sya ng contract for 2 years. Kupal kayo. 😡 😡”

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.