Bagong Anomalya Natuklasan | Excess ballots mula Baao, Camsur, naitiman para kay VP Leni



Panibagong anomalya nanaman ang natuklasan sa mano-manong recount sa poll protest ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo sa Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).
Sa pangalawang araw ng manual recount, natuklasan nanaman ng kampo ni Marcos ang maanomalyang mga excess ballots mula sa bayan ng Baao, Camarines Sur.
Ibinunyag ni Atty. Vic Rodriguez na ang mga hindi nagamit umanong balota ay naglalaman ng mga initimang balota para kay Robredo.




Ang Camarines Sur ay matatandaang balwarte ni Robredo at isa sa mga tatlong  provinces na sakop ng protesta ni Marcos dahil sa naging dayaan noong nakaraang eleksyon.

Ayon naman sa kampo ni Robredo, kailangan munang i-check ng abogado ng bise presidente na si Atty. Romulo Macalintal ang umanoy ibinibintang ng kampo ni Marcos.

Matatandaang sa unang araw palang ng mano-manong recount ay nakitaan na ng anomalya ang isinasagawang Vice Presidential vote recount.




Ayon kay Marcos, walang audit logs at hindi mabasa o maintindihan ang mga sulat dahil basa ang ilang balotang ginamit.

"They've only been recently wet. If they were wet during election day, siguro natuyo na iyun. Hindi naman siguro two years na basa iyon. May nagbasa," sabi ni Marcos.

Ayon kay Marcos, maaaring nabuksan na umano ang mga balota dahil papaanong nabasa ito.

Sinabi rin ng kampo ni Marcos na panlilinlang lang umano ang pahayag ng abogado ni Robredo na si Atty. Macalintal na una nang nagsabi na tinamaan daw ng bagyo ang Munisipalidad ng Bato, Camarines Sur na naging sanhi nang pagka-basa ng mga naturang balota.




“Let me just correct, that again ‘panlilinlang’. Ang bagyo po na sinasabi nila maaring tumama sa Municipality of Bato, Camarines Sur at lahat po ng balota na yan ay naka-deposito sa Municipal Treasurer’s Office ng Bato, Camarines Sur.”

Iginiit din ni Rodriguez na “Pero bakit yung apat lamang ang nabasa, ang galing naman nung bagyo, ang galing naman nung ulan. Yung apat na kung saan napakataas ang undervotes, yun ang kanyang nabasa o binasa. Samantalang yung remaining ay hindi.”




Nagbigay naman ng pahayag ang Municipal Election Commissioner sa Bato, Camarines Sur na maayos naman nilang itinurn-over ang mga balota sa PET Manila, taliwas sa naging pahayag ng COMELEC na nabasa ang mga ito dahil sa lumipas na bagyo.

Dagdag pa nito, naka-sealed at kumpleto dokumento with audit logs ang mga balota bago nila ito iturn-over sa PET.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.