Apat na head revisors ng PET, nagresign pagkatapos ng Anomalya sa unang araw ng recount



Pagkatapos ng unang araw na isinagawang Vice Presidential vote recount, apat (4) na revisor na kasama sa nangangasiwa sa manual recount ang nagbitiw sa trabaho.
Wala umanong dahilan na ibinigay kaugnay ng pag-atras o pagbibitiw ng apat na head revisor na kabilang sa namumuno sa apatnapung revision committee.
Ang head revisor ang kumakatawan sa Pre­sidential Electoral Tribunal (PET) sa nangyayari manual recount.

Dahil dito, nagtataka ang kampo ni dating senador Bongbong Marcos kung bakit nagbitiw ang apat na head revisor.




Matatandaang sa unang araw palang ng mano-manong recount ay nakitaan na ng anomalya ang isinasagawang Vice Presidential vote recount.

Ayon kay Bongbong Marcos, walang audit logs at hindi mabasa o maintindihan ang mga sulat dahil basa ang ilang balotang ginamit.

"They've only been recently wet. If they were wet during election day, siguro natuyo na iyun. Hindi naman siguro two years na basa iyon. May nagbasa," sabi ni Marcos.




Ayon kay Marcos, maaaring nabuksan na umano ang mga balota dahil papaanong nabasa ito.

Bumwelta naman ang tagapagsalita ng kampo ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na nagsasabing NAKAKADUDA talaga ang pangyayari dahil ‘pili’ lamang umano ang balotang nabasa at ang mga balotang may ‘undervotes’ pa ang pinuntirya.

Dagdag pa ni Rodriguez, panlilinlang lang umano ang pahayag ng abogado ni VP Leni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal na una nang nagsabi na tinamaan daw ng bagyo ang Munisipalidad ng Bato, Camarines Sur na naging sanhi nang pagka-basa ng mga naturang balota.

Ayon sa kanya: “Let me just correct, that again ‘panlilinlang’. Ang bagyo po na sinasabi nila maaring tumama sa Municipality of Bato, Camarines Sur at lahat po ng balota na yan ay naka-deposito sa Municipal Treasurer’s Office ng Bato, Camarines Sur.”




Iginiit din ni Rodriguez na “Pero bakit yung apat lamang ang nabasa, ang galing naman nung bagyo, ang galing naman nung ulan. Yung apat na kung saan napakataas ang undervotes, yun ang kanyang nabasa o binasa. Samantalang yung remaining ay hindi.”

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.