Ang 52 Php/kilo, ngayon 39 Php nalang! Mga rice traders, sumang-ayon sa pakiusap ni Duterte



Sumang-ayon ang asosasyon ng mga rice traders sa bansa sa kahilingan ni Pangulong Duterte na mag-angkat ng murang bigas sa Metro Manila. Ito ay para matugonan ang di-umano’y kasalukuyang pagkukulang sa supply ng bigas sa National Food Authority (NFA).
Nangako ang mga negosyante kay Pangulong Duterte sa isang pagpupulong nito sa Malacañang, huwebes ng gabi, na maglalaan ito ng supply ng bigas sa halagang P39 bawat kilo.
Maghahatid ng hangga’t 100,000 sako ng bigas kada linggo ang mga negosyante habang inaabangan pa ang ini-angkat na bigas mula sa ibang bansa, ayon ito kay Agriculture Secretary Manny Piñol.




Ang mga nakalaang bigas ay ibebenta sa mga tindahan ng P38 kada kilo upang maibenta ito sa merkado sa presyong P39 na magbibigay ng katumbas na P50 na tubo kada sako.

Saad ng Pangulo, naiintidihan niya pangangailangan ng mga negosyante sa hamuning kumita ang mga ito, ngunit iginiit niya na hangarin din niya na magkaroon ng murang bigas para sa mamamayan.

Aniya, “I know that you are all businessmen and that you have to make a profit, but I am appealing to you not to overprice or hoard rice,” banggit ng Pangulo.




Isiniwalat din ito ni Secretary Piñol sa kanyang Facebook page na ikinatuwa din ng maraming Netizens.

“Kung ganitong magkakasundo ang negosyante at ang gobyerno tlgang aasenso tau..” puna ni Nasor Adinalliro.

Ayon naman kay Estar Grey, “That's my President, a man of good heart, humble and knows his stand.”




Nabanggit din ni Secretary Piñol na binigyan na din ng karampatang pag-tugon ng Pangulo ang suliranin ng mga rice traders kaugnay sa pangongotong ng ilang opisyal ng LTO at DPWH sa pagtitimbang ng mga truck ng mga operator na lulan ang produktong agrikultura na naging sanhi naman ng patong-patong na taas-singil ng mga ito kabilang na ang bigas.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.