34 NPA kasama ng 1 kumander sumuko dahil di na nagkakasundo sa hatian ng revolutionary tax



Sa bayan ng  Magpet, North Cotabato sumuko ang kumander ng rebelde at komunistang New People's Army kasama pa ang 34 na miyembro nito dahil magulo na umano ang kanilang samahan.
Ang 34 na mga NPA members ay sumuko sa kampo ng 19th Infantry Battalion Philippine Army dahil nagkakalabuan ang nagkakagulo na daw ang mga lider ng grupo dahil sa hindi pagkakasunduang hatian sa revolutionary tax.
Dagdag sa impormasyong ibinahagi ni Kumander Fidel Sicao, maliban sa di pagkakaintindihan sa hatian ng revolutionary tax ay halos mamatay na rin umano sila sa gutom dahil sa nagpapatuloy na opensiba sa kanila ng militar sa kabundukan ng North Cotabato.

Dahil dito, pati ang kani-kanilang mga baril at pampasabog ay isinuko narin sa mga militar.

Matatandaang nito lamang nakaraang buwan ay sabay-sabay sumuko ang pitong miyembro ng NPA sa bayan ng Masi, Rizal, Cagayan.

Samatala boluntaryo rin na sumuko sa militar ang isa sa mga tagapagsalita ng NPA Noel Legaspi alias Ka Efren.

Mula ng suspendihin ng pamahalaan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NPA at ng gobyerno ay umabot na sa mahigit 500 miyembro ng makakaliwa ang sumuko.


Sinabi naman ng pamahalaan na mas mabuti rin kung magbalik loob na lamang ang mga ito sa pamahalaan at mamuhay ng normal na buhay.

Tiniyak din ng pamalaan na mabibigyan din ang mga ito ng benepisyo, tulad ng mga nakaraan pang sumukong mga rebelde.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.