1 usec nakalinyang sisibakin | Uubusin ko mga tiwali sa gov’t – Duterte



Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang undersecretary sa Executive Branch ang nakatakda nitong sibakin sa puwesto.
Ayon sa Pangulo, uubisin nito ang mga opisyal sa pamahalaan na hindi naman karapat-dapat sa kanilang posisyon.
Sinabi rin ni Pangulong Duterte na ginagawa lang nya ang dapat upang tuluyan ng malinis ang kasalukuyang pamahalaan mula sa korapsyon.

Inihayag ni Pangulong Duterte na walang sisinuhin sa pagsibak dahil katunayan maging sa gabinete, una niyang pinapalayas ang mismong tao pa niya.

Matatandaang tinanggap ni Pangulong Duterte ang  kontrobersiyang pagbibitiw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.




Kamakailan ay binalaan ni Pangulong Duterte si Aguirre na siya ang ipapalit sa kulungan kung tuluyang makakalaya ang druglords na si Peter Co, Kerwin Espinosa at Peter Lim na matatandaang inabswelto na National Prosecution Service na nasa ilalim ng Department of Justice.

Paliwanag ng DOJ ay wala raw diumanong matibay na ebidensya na nagpapatunay na sangkot ang mga ito sa iligal na droga.




“I’ll be firing about one undersecretary, one after the other. Ubusin ko talaga ‘yan. And to think, in fairness also to President Aquino and to President Arroyo, so far, ang lahat nabigyan ko ‘yung tao. Even the Cabinet member, the first to go mga tao ko,” ani Pangulong Duterte.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.