Yolanda Housing Projects ng Aquino Gov’t, Substandard! ‘Lupa at sako laman ng Pader’



Dismayado ang ilan sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda nang natuklasang may ‘kapalpakan’ sa kanilang tinitirhang pabahay na natanggap mula sa dating administrasyon.
Gawa umano sa ‘substandard’ o mahinang klase ng materyales ang mga bahay na ito na posibleng hindi tatagal ng ilang taon. Maliban sa pagiging substandard ay hindi rin maayos ang pagkakagawa nang may natuklasang sako ng mga buhangin sa pader nito at may tagas na rin umano ang mga bubong ng bahay.
Sa panayam ni Ranulfo Docdocan sa isang segment ng late night news broadcast na Bandila ng ABS-CBN, ikinuwento ng isang residenteng nagngangalang Lenmei Regner na nababasa ang circuit breaker ng kanyang bahay tuwing umuulan sa kadahilanang may tagas ang bubong nito.




Ipinakita din ni Angelica Morion kung paano tumulo ang tubig sa loob ng bahay nila tuwing umuulan at ang mistulang sako sa dingding na hindi malaman kung bahagi ito ng paggawa o naiwang nakatiwang-wang lamang. 

Nadiskubre na din ni Balerma Triapel kung gaano kahina ang pader ng kanyang tahanan nang sinubukang mag lagay ng pako nang biglang bumungad naman sa kanyang mga paningin ang mga sako2x ng buhangin sa loob ng nabakbak na pader.




Ayon sa naturang balita, inatasan na daw ni Presidential Assistant on Yolanda Rehabilitation Undersecretary Wendel Avisado ang National Housing Authority (NHA) para mabigyan ng agarang aksyon ang mga naireklamong bahay. 

Ngunit ayon naman sa naunang pahayag ni Rizalde Mediavillo, ang NHA Regional Manager sa Tacloban, responsibilidad umano ng Developer na tugonan ng pag abala sa mga pagkukulang nito.




‘Sinubukang kunan ng panig ang Developer pero tumanggi ang mga empleyado nito’, ani Docdocan.

Iginiit naman ni Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao na ang NHA aniya ang dapat managot sa naging kinahinatnan ng mga bahay na nilaan para sa mga Yolanda Survivors.

Sa isang pagdinig, banggit ni Casilao na “The NHA should have ensured that housing units were properly constructed but apparently they failed, the Yolanda housing projects in Tacloban which were reportedly complained by beneficiaries is only a tip of the iceberg on the issue of substandard mass housing projects”.

“President Duterte should look into this mess, he should order the inspection of other NHA projects nationwide and hold accountable NHA officials who have been complacent on their jobs. He should also ensure that contractors involved in shady construction of public mass housing also be accountable and blacklisted to bid in any government projects,” dagdag ni Casilao.

Watch the video below:


***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.