Task Force Mayon, hinikayat ang mga NPA na tumulong sa kalamidad kaysa makipagbakbakan



Sa naging panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Task Force Mayon spokesperson Col. Patrick Cinco, hinihimok nito ang mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na tumulong na lamang sa mga apektadong residente sa nag-aalburotong bulkan kaysa magsagawa ng mga kaguluhan.
Ayon kay Col. Cinco, sa pamamagitan nito a dito makikita ang pagiging makatao ng mga armadong grupo sa gitna ng krisis na pinagdaraanan ng mga kababayang Bikolano.

Sinabi ni Cinco na mas mabuti rin kung magbalik loob na lamang ang mga ito sa pamahalaan at mamuhay ng normal na buhay.




Nito lamang nakaraang araw araw ay pinaputukan ng hinihinalang NPA ang mga task force na maghahatid sana ng relief goods sa bayan ng Guinobatan at maswerte namang nakaligtas ang mga ito.
Dahil dito, mas pinaigting ang depensa ng mga otoridad at sinabing magpapatuloy parin sila sa pagtulong na bahagi ng kanilang humanitarian assistance at disaster response.

Nito lamang nakaraang buwan ay sabay-sabay sumuko ang pitong miyembro ng NPA sa bayan ng Masi, Rizal, Cagayan.




Inamin naman umano ang mga sumuko na sila ay ginagamit ng mga rebeldeng grupo sa kanilang mga aktibidad.

Samantala, mula ng suspendihin ng pamahalaan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NPA ay umabot na sa mahigit 500 miyembro ng makakaliwa ang sumuko.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.