Reklamo ng Yolanda survivor: Dingding ng pabahay, palaman ay sako



Nadiskubre umano ng ilang nakatira sa Yolanda relocation site sa Tacloban City na bukod sa kulang sa semento ang pabahay na ibinigay, meron pa itong sako na nakapalaman sa kanilang dingding.
Ayon sa kay Eduard Balutesa, isang residente sa Ridgeview Park, na isang Yolanda relocation site, laking gulat nito nang makita na may sakong nakapaloob sa kanilang dingding habang nag-aayos sila ng extension para sa kanilang kusina.
Sinabi rin nito na kulang na kulang ang ginamit na semento sa mga dingding kung kaya't tuwing umuulan ay basa sa loob ng kanilang bahay.




Idinulog na umano nila ito sa National Housing Authority (NHA), pero wala pang aksiyon.

"Natakot lang kami kasi kapag mayroong lindol paano," ani Balute. 

Bukod dito, inireklamo rin ni Balute at ng iba pang Yolanda survivors ang kawalan ng suplay na tubig at kuryente.

"Meron talagang kakulangan at aminado naman tayo na kailangan mayroon gawin," pag-amin ni Yolanda czar Wendel Avisado.

Ipinasa naman ng NHA ang sisi sa developer ng relocation site. 




"Itong housing natin, kahit ginagamit na natin, hindi pa ito tinatanggap ng NHA. So, may responsibility ang developer kung ano ang mga sirang nakikita natin ngayon, dapat ayusin nila," ani NHA Regional Manager Rizalde Mediavillo.

Dahil sa mga reklamong ito, inatasan na ni Avisado ang NHA na aksyunan kaagad ang mga problemang ito.

Sinabi rin ni Avisado na mag-iikot pa ang kanilang grupo upang malaman pa ang ibang hinaing ng mga nasalanta ng bagyo.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  news.abs-cbn.com

No comments

Powered by Blogger.