Panoorin! Lalaking nagpanggap na Pulis, nanapak at nanutok ng baril



Viral ngayon sa social media ang isang bidyo na nagpapakitang sinapak ng pakalat-kalat na lalaki ang isang inosenteng Tricycle Driver habang ito ay matinong namamasada.
Kitang-kita sa bidyo na maayos namang binabagtas ng inosenteng Tricycle Driver na kialal sa pangalang Jolo Renzo ang kahabaan ng kalye sa loob ng Kingspoint Subdivision, Bagbag, sa Novaliches, Quezon City, nang ma-tiempohang madaanan ang animo’y nagtatapang-tapangan na lalaki na pakalat-kalat sa gitna ng lansangan.
Ilang sandali pa ay bigla nalang itong nanapak na tila siya pa ang na perwisyo.




Hindi pa tukoy ang detalye ng lalaking bigla nalang nanapak pero ayun sa biktimang si Jolo, nagpakilala daw di-umano bilang pulis ang loko! Nang hindi pa makontento, bigla nalang itong bumunot ng baril at tinutukan ang biktima at saka pa nanapak ulit! Napatayo naman sa kinauupuan ang lalaking backride ni Jolo para makaiwas sa gulo

Bahagyang bumigat ang daloy ng trapiko sa naturang lansangan nang mag amok pa ang siga at naghanap pa ng ibang mapag titripan.




Ayon sa Facebook post na isinumite ng Netizen na may pangalang Fernandez Merindo Ash, naka blotter na sa Q.C. Police Station 4 ang naturang salarin at nasampahin na din ito ng karampatang kaso habang ito ay kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga Pulisya. Apat na basyo ng bala naman ang na rekober sa lugar na pinangyrihan ng insidente.

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang post na ito na pumalo na sa mahigit tatlong libo (3000) ang tumugon sa kasalukuyang panahon. Hustisya ang hanap ng karamihan sa mga netizen na nakakita ng bidyo.

Basahin ang buong post sa ibaba:

"Sya si Jolo Renzo . tahimik at masipag na bata. nag hahanap buhay bilang isang tricycle driver sa kingspoint bagbag novaliches q.c . upang makatulong sa kanyang mga kapatid at magulang. ngunit sya ay pinag tripan ng lasing na lalaki na nagpakilalang pulis. at sya ay sinampal at sinuntok.. ang mabigat pang ginawa nito ay nagpaputok ito ng baril sa kalsada na astang siga sa pelikula.sana ay mahanap itong tao na ito para mapanagot ito sa kanyang kasalanan... ngayun ay naka blotter ito sa ps 4 ng q.c at nasampahan na din ito ng kaso.. pakikalat na lang po para mabilis mahanap itong tao na ito.. salamat."

Panoorin ang video sa ibaba:


***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.