Panelo sa Resistance coalition ng LP: Walang masama kung uulitin nila ang kanilang kabiguan



DEMOKRASYA – Isiniwalat ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ‘WELCOME’ sa Malacañang ang pagtatag ng isang Resistance Coalition ang partidong Liberal Party (LP) na itatapat nila para sa kumakandidato bilang Senador sa darating na 2019 Midterm Elections.
Ayon kay Panelo, walang nakikitang problema ang Palasyo o walang masama kung gagawin ito ng oposisyon dahil ‘malayang bansa’ naman ang Pilipinas.
Sa katunayan, wala na aniya itong pinagkakaiba sa kanilang nakasanayang gawin dahil lagi naman daw pumapalag ang LP sa administrasyong Duterte.




Aniya, “There is nothing new there; they’ve been resisting this administration. They can always try. They can always fail. They will always try to repeat what they have failed. They are welcome. We welcome. It’s a free society.”

Subalit, tiniyak ni Panelo na mabibigo lamang di-umano ang LP sa kanilang binabalak na pataubin ang administrasyong Duterte.

Nauna nang sinabi ni Liberal Party President at Senador Francis Pangilinan na bubuo ang LP ng isang Resistance Coalition na magiging matatag at totoong oposisyon sa darating na eleksyon.




"We hope to help build together the broadest coalition of groups and individuals united behind defending our freedoms and our civil and political rights," sabi ni Pangilinan

"We will need to work with other groups and forces willing to unite and to resist extra-judicial killings and human rights abuses, the undermining of our sovereignty in the West Philippine Sea, and the continuing rise of prices of basic commodities, among others," Dagdag pa nito.

Nagbigay din ng pahayag si Senator Bam Aquino tungkol sa isinusulong ng kanyang partido.




"In 2019, hindi lang ‘The Force’ kailangan, we need ‘The Resistance’ – a genuine opposition slate. Kailangan ng mga taong magsasama-sama, magtutulong-tulong para labanan ang polisiya ng administrasyon na nakakasakit sa tao. You will find me on that slate," Paliwanag ni Aquino.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.