P240 million, ibinigay na tulong ng European Union ng walang kondisyon



3.8 million euros o katumbas ng P240 million ang ibinigay ng European Union (EU) sa Pilipinas upang tulong sa financial aid para sa rehabilitasyon ng mga drug personalities sa bansa.
Dahil sa pagtulong ng EU sa bansa, pinasalamatan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ito dahil malaking bagay ito para tulungan ang mga personalidad na lulong sa iligal na droga.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tinanggap ni Pangulong Duterte ang nasabing tulong dahil wala itong hiniling na kondisyon.




Ayon sa pamahalaan, ang tulong na ibinigay ng EU ay ibibigay sa  Department of Health (DoH) para magamit sa mga programang may kinalaman sa kalusugan.

Sinabi rin ni Sec. Roque sa kanyang talumpati na patuloy namang tatanggap ng kahit anong tulong ang pamahalaan basta wala umanong kaakibat na kondisyon.

Matatandaang tinanggihan ni Pangulong Duterte noong nakaraang taon ang alok na aid ng EU dahil sa kondisyon nitong nakakaapekto sa soberenya ng bansa.




“We thank the European Union likewise for offering 3.8 million Euros aid to fund the drug rehabilitation centers in the country. The President as we all know is amenable to accepting any aid but without any unilateral conditions. He will reject, as he did in previous occasions, offer of assistance with any condition that would interfere with our domestic policies,” ani Sec. Roque.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.