NPA recruitment sa mga estudyante talamak - PNP Spokesman Bulalacao



Talamak na ang agresibong pangangalap o pag ‘recruit’ ng mga miyembro ng New People’s Army or NPA sa mga kabataang estudyante na karamihan umano ay nanggagaling pa sa  mga kilalang Kolehiyo at Unibersidad sa bansa.
Ito ang pahayag ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao na binalaan din ang mga estudyante lalo na ang mga menor de edad na umiwas sumama o makilahok sa kahit anumang ‘off-campus’ summer activities sa mga lugar na posibleng pinamumugaran ng mga bandidong NPA.
Kaugnay na din ito sa nauna nang naibalita na dalawang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas ang napatay sa naganap na engkwentro sa Batangas at Negros Region matapos makisapi sa CPP-NPA kamakailan lamang.




Pinayuhan din ni Bulalacao ang mga magulang ng mga estudyante na laging alamin ang mga pinagkaka-abalahan ng kanilang mga anak lalo kung ito ay may kaugnayan sa kanilang pag-aaral o may basbas ba ng pamunu.an ng paaralan.

Ibinunyag ni Bulalacao ang kanyang pahayag nang naalarma na ang Philippine National Police (PNP) sa datos na naibabalitang kabilang na ang mga menor de edad or estudyanteng bagong recruit sa pagsabak laban sa pwersa ng gobyerno.




Dati nang tinukoy na kabilang sa mga kilalang Unibersidad sa bansa ang nangyayaring recruitment ay nagmumula sa University of the Philippines (UP), Polytechnic University of the Philippines (PUP), Philippine Christian University, Central Colleges of the Philippines (CCP), at iba pa.

Nabatid na inuugnay ng bandidong CPP-NPA ang mga kasulukuyang kaganapan sa politika at karalitaan ayon sa nasyonalismong adhikain ng mga ito para ‘malinlang na sumapi’ ang mga kabataan sa kanilang kilusan.




Ngunit sa kasawi-ang palad, nag resulta na din sa pagkamatay ang iilan sa mga kabataang estudyante na sumali sa bakbakan na karamihan di-umano sa mga magulang ng mga ito ay walang ka-alam alam ukol sa pag-sapi ng kanilang anak sa armadong kilusan.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Source:  philstar.com

No comments

Powered by Blogger.