Ninoy Aquino sa pagpapatayo ng San Juanico Bridge: “Makakain ba natin ang mga infrastructure na ‘yan?”



Ang San Juanico Bridge o Tulay ng San Juanico ay ang pinaka-magandang tulay sa Pilipinas at ang pinaka-mahabang itinayo noong taong 1973.
Layunin nito ang idugtong ang probinsya ng Samar at Leyte mula Santa Rita hanggang Tacloban, na tumatawid ng San Juanico Strait. Sa layo na 2.16kms o 1.34mi, ito na ang pinaka-mahabang tulay sa Pilipinas hanggang ngayon.
Itinampok bilang “one of the most beautifully designed bridges” ang naturang kamangha-manghang likhang-tao na ito sa isang Facebook post ng Philippine Shocking History.



Ito ay naitayo sa administrasyon ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos bilang bahagi ng proyektong ‘Pan-Philippine Highway’ o Maharlika Highway na bumubuo sa kabuoang 3,517kms o 2,195mi na network ng lansangan, tulay at pantawid-dagat na layuning idugtong ang lalawigan ng Luzon, Eastern Visayas, at Mindanao. 

Malaki ang naitulong nito sa pag ‘sigla’ ng produktong agrikultura at pag unlad ng kabuo-ang ekonomiya ng bansa.




Nakibahagi ang bansang Japan sa pag-disenyo at pagbuo ng San Juanico Bridge sa isang kasunduan na itinawag na Philippine – Japan Friendship Highway sa pagsasa-ayos ng dating Ministry of Public Highways na kumontrata naman sa Construction and Development Corporation of the Philippines (CDCP) na ngayon ay kilala na bilang Philippine National Construction Corporation.

Alay-handog ang tulay ng San Juanico sa asawa ni Marcos na si Imelda Marcos na siya namang nagsagawa ng ‘ribbon-cutting’ nang mabuksan na ito sa publiko noong July 2, 1973 sa isang pagdiriwang kasama sina Cardinal Rosales, Mrs. Cristina Ford, at iba pang panauhin na naki-daos sa makasay-sayang pagkakataon.




Subalit hindi ito nakalagpas sa pangungutya ng dating kaibigan at naging kaalitan ni Marcos na si Benigno ‘Ninoy’ Aquino, na noo’y Senador sa panahong iyon na nagsabing: “Makakain ba natin ang mga infrastructure na ‘yan?”

Inihambing din ito sa pagsalungat ng kanyang anak na si dating Pangulong Noynoy Aquino Jr sa kasalukuyang proyekto na tinatawag na ‘Wind Farm Initiative’ ng anak ng yumaong Marcos na si dating Senador Bongbong Marcos bilang bahagi ng ika-apat na SONA nito  noong July 22, 2013.




Sa kanyang talumpati, sinabi nito na: "Magtatayo ka ng windmill; paano kung walang hangin? Kung solar, paano kung makulimlim? Lilinawin ko lang po: Naniniwala rin ako sa renewable energy at suportado natin ito, pero dapat ding may mga baseload plant na sisigurong tuloy-tuloy ang daloy ng kuryente sa ating mga tahanan at industriya,"

Sa kabila nito, matagumpay parin na naitaguyod ni Bongbong Marcos ang ‘grid-connected’ Solar Power Farm sa Ilocos Norte noong February 9, 2016 maliban sa nauna nang nabanggit na Wind Mill farm nito na kasalukuyan nang gumagana sa bayan ng Bangui at Burgos bago paman siya nagsimula mangampanya bilang Vice President noong nakaraang halalan.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


No comments

Powered by Blogger.