Napa-amo kay Duterte: 13 Abu Sayyaf at isang Kumander sa Basilan, sumuko na



Labing Tatlong (13) miyembro ng Abu Sayyaf kasama ang kanilang Komandante ang tuluyan nang sumuko sa otoridad sa isang liblib na bayan-bayan ng Hadji Mohammad Ajul sa Basilan noong Miyerkules, Marso 28, 2018.
Kinilala ang Kumandante na si Nurhassan Jamiri na dati nang nasangkot sa isang Kidnap for Ransom ng isang Zamboangeña na nurse sa pangalang Preciosa Feliciano sa Zamboanga City noong 2008.

Kasama din umano ito sa pag-ambush ng mga Philippine Marines sa Al-Barka, kung saang labing-apat (14) na Marines ang nasawi.




Kinumpirma ng Lokal na Pamahalaan ng Basilan na si Vice Mayor Talib Pawaki ang kanilang pagsuko dala ang iba’t ibang armas kabilang na ang M16 at M16 na baril at mga Magasin nito, 651 piraso ng Bala, isang MK52 na Granada at 8 na Bandolyer.

Nangyari ito dalawang araw makalipas na bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Patikul, Sulu para himukin ang bandidong Abu Sayyaf na ‘tigilan na’ ang paghihimagsikan laban sa pamahalaan at paghahasik ng kaharasan sa inosenteng mamamayan.

Ikinatuwa ito ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr, Kumandante ng Western Mindanao Command na nagsabing maayos naman dinala ang mga sumukong bandido sa Headquarters ng 9th Scout Ranger Company at 104th Infantry Brigade sa Tabiawan, Isabela City kung saang isasa-ilalim sila sa ‘custodial debriefing’.




“This surrender only proves that with the President’s strategic guidance, our relentless offensives on the ground and our diplomatic approach are effective in defeating the Abu Sayyaf bandits and in addressing the internal aggression in Zambasulta area,” sabi ni Galvez sa isang panayam.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.