Leila de Lima, pinili lang ang kinasuhan sa Pork Barrel Scam



Pinipili umano ng Liberal Party ang mga indibidwal na sinampahan ng kaso ukol sa pagkakasangkot nito sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Ibinulgar ito ni Atty. Levito Baligod na nagsasabing si dating Justice Secretary at ngayo’y Senador Leila de Lima mismo ang nag utos sa kanya na ‘piliin’ lamang ang mga indibidwal na sasampahan ng kaso hinggil sa anomalyang ito.
Sa katunayan, dalawampu’t lima (25) lamang ang nakasuhan taliwas sa nauna nang pangako ni De Lima na kakasuhan ang LAHAT ng sangkot sa PDAF scam.




Dahil aniya sa pangyayari, nag desisyon si Atty. Baligod na lumapit sa Office of the Ombudsman para tuluyan nang sampahan ng kaso ang labing pito (17) miembro ng Liberal Party.

Si Atty. Levito Baligod ang dating abogado ni Benhur Luy, na naging pangunahing testigo sa kaso. 

Dati nang naibalita na si Benhur Luy mismo ang nagdesisyon na tanggalin na bilang ‘Chief Counsel’ si Baligod dahil hindi na kailangan umano nito ang kanyang serbisyo.




Umalma naman ang maraming netizen sa pagkakaka-alam ng balitang ito.

Ayon sa kumento ni Marietta Cayabyab: “Itung mga dilaw, sakit talaga sa ulo ang mga ito”

Isang rebelasyon naman ang naisiwalat ng netizen sa pangalan na Junrex Leebatu na nagsasabing “Kaya pala nag resign siya noon as abogado ni Loy… Ngayun na Ang tamang panahon na hubaran sila Sa kanilang mga maskara,(LP)”

Panoorin ang video sa ibaba:



***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.