Lagot kay Kap! Pangongotong huli sa akto, ginamitan ng kamay na bakal ng Kapitan



HULICAM – Huli sa akto ng panggagantso ang isang grupo ng residente ng Barangay Matictic ng Norzagaray, Bulacan kung saang sinisingil ang mga motorista at ilang mga dayo dito para makaraan sa naturang lugar.
Kuha sa isang trending na bidyo na ibinahagi sa Facebook ng isang netizen na nagngangalang Hilario Caperlac ang aktwal na paglusob ng mismong Pinuno ng Barangay Matictic na si Kapitan Abner Palad sa isang barong-barong sa gilid ng kalsada kung saang may nakapaskil pa na tarpaulin na tila nagpapaunawa sa mga motoristang bumabaybay sa daan na nagsasabing “Marahan na Takbo lang po”.
Nahagip din ng bidyo ang panunulak ni Kapitan sa naniningil na kitang gulat na gulat sa biglaang pagsapit nito at galit na galit na pina-amo ang ibang nakatatandang kasamahan. Galit din na binaklas ng Kapitan ang Tarpaulin kasama ang tali na humaharang sa kalsada at pinag sisigawan ang mga hoodlum na sangkot sa mismong kalokohan.




Ayon sa matapang na Kapitan, ipina-semento ang naturang kalsada para opisyal na magamit ng publiko ng ‘walang bayad’ at iginiit na walang paniningil ang dapat mangyari sa bawat pagdaan.

Sinabi din ni Kapitan Palad na hindi daw siya takot mawalan ng boto sa kanyang pamamaraan ng pag-ayos ng kanyang pamayanan at pagtugis sa mga pasaway.




Wala nang nagawa ang panig ng mga manlolokong naniningil sa ginawang pagsugod ng Kapitan kahit tanod lamang ang mga kasama nito at walang pangangatawan ng otoridad.

Samantala, hindi nakapag pigil at nagawang mag post pa si Kapitan sa kanyang Facebook page para depensahan ang nangyaring paglusob. Ayon sa kanya:

"Para sa kabatiran ng lahat ang daan kalsada papunta bakas ay mahigpit ko pinag babawal ang mga naniningil o na ngongotong sapagkat ang 10 kilometro na kalsada nayan ay pinasementohan ng brgy matictic sa pangunguna ng inyong linkod bilang kapitan kaya salahat ng mga talipandas na nangongotong sa mga kalsada nayan wag nyo na antayin ako pa ang humuli sa inyo at may kalalagyan kayo sakin wag nyo sabihin malapit na eleksyon diko kailangan ang boto nyo kung ang magandang imahe ng brgy matictic naman ang sisirain nyo(ang tao marunong lang mahiya ehh tao na ) salamat po!"



Tumugon naman ang ilang netizen sa ginawa ni Kapitan Palad na karamihan ay nagbigay ng positibong pag puna sa pangyayari. Pumalo na ng mahigit 2.6Million views ang video sa loob lamang ng apatnaput-walong (48) oras.

Panoorin ang video sa ibaba:




***


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.