Kung ayaw mo ng death penalty, tumino ka - Jean Garcia



Ayon sa ulat ng PEP, ang batikang aktres na si Jean Garcia ay nagpahayag ukol sa panukalang batas na ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Garcia kung bakit pabor ito na isulong ang nasabing batas.

“Honestly, yeah, yes!

“A, depende, ayoko masyado… pero ibig kong sabihin, yung grabe talaga na mga... iyon, sa drugs, killer…
“Kasi ako, ang feeling ko kasi, kailangan na talaga ng disiplina, kailangan ng takot ng tao, kailangan marunong tayong matakot.

“Kasi hindi naman tayo ano, maski mga bata ngayon, alam ang tama at mali, di ba?




“Para magkaroon ng disiplina, mas maging safe ang country natin, di ba?

“Mas makakalakad na tayo sa kalye nang hindi tayo natatakot.

“Di ba, pag nasa Japan ka, lakad ka lang. Taipei, ganun rin.

“Kahit mag-isa ka, lakad ka, punta ka ng 711, punta ka ng ano… very safe, kahit madaling-araw, di ba?

“And we want that for our country, di ba?”

Patuloy ni Jean, “Especially, like ako, nanay ako, meron akong mga anak, gusto ko safe ang mga bata.

“So, ang sa akin, pag gumawa ka ng katarantaduhan, pagdusahan mo.

“Ngayon, kung ayaw mo ng death penalty, ayaw mong mabitay or whatever, tumino ka!

“Gumawa ka ng tama, di ba?”

Ayon pa sa aktres, “So, nasa sa tao yun.

“Hindi naman yung kasi gobyerno or kasi iyon yung opinyon ko, it’s not that, e. It’s you want to have a safe country, di ba?

“Tsaka magkakaroon din yun ng effect din sa bawat isa kung lahat tayo disiplinado.”

“Yun na nga actually, ako, yung rape dapat kasama.




“Kasi, unang-una… sorry ha, hindi ako nagmamarunong, ako opinyon ko lang po ito, maraming hindi mag-a-agree sa akin, wala naman din akong pakialam dahil opinyon ko yun, di ba?

“Hindi ko naman sinabing maging opinyon nila, so opinyon ko lang.

“Kasi, bakit ba may mga rape victims, bakit ba may mga nangre-rape?

“Drugs din, di ba? O, di pareho. E, di bitayin na rin ‘yang mga ‘yan! Di ba?

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  pep.ph

No comments

Powered by Blogger.