‘Kotongduktor’ ng Bachelor Express Bus, nabisto ang modus



Inireklamo ng isang concerned netizen na si Anthony Enriquez, ang di-umano’y bagong modus operandi na kinasangkutan ng isang hindi pa nakikilang konduktor ng Bachelor Express Bus.
Ayon sa salaysay ni Enriquez na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account, sumakay siya ng may isa pang kasama lulan ng Bachelor Express Bus sa isang biyahe mula Manikling, Davao Oriental hanggang Tagum City, Davao del Norte.

Php 100.00 umano ang singil sa bawat isa. Php 500.00 naman ang perang ibinigay niya sa konduktor bilang pambayad para sa kanya at sa isa niyang kasama.




Hindi daw agad binigay ang sukli na nagkakahalagang Php 300.00 at hindi man lang daw minarkahan ang kanilang ticket na magpapatunay sana na may sukli pa silang makukuha. Nang sitahin nila ang konduktor ay siya pa itong may ganang magalit at nag pupumilit pa di-umano na sakto lang ang kanilang pinambayad. 

Sadyang nakipag away pa daw ang konduktor sa kanila at tila nagmatigas pa para lamang hindi na maibalik ang sukli!

Iginiit ni Enriquez na pawang mga estudyante lamang sila at kailangan nila ang naturang sukli para pamasahe naman pabalik.




Dahil dito, bahagya umanong nagkagulo sa loob ng Bus nang nalaman ng ibang pasahero na kulang din daw di-umano ang kani-kanilang mga sukli. Ang iba naman ay nagreklamong ‘OVERPRICED’ ang singil sa ticket nila.

Layunin ni Enriquez na maibahagi ang kanyang post hangga’t makarating sa pamunuan ng naturang bus company.

Ang Bachelor Express Bus ay pinagmamay-ari ng Yanson Group of Bus Companies (YGBC) bilang transport service na nagsasagawa ng operasyon sa Silanganin at Gitnang bahagi ng Mindanao na may himpilan sa Butuan at Davao City.

Umani naman ng batikos mula sa mga iba’t-ibang tumugong Netizen ang ginawang pandaraya ng konduktor. Ayon kay Adrian Mark Malan, “Kapag walang panukli ang kundoktor sinusulatan yung ticket sa likod. Nakasulat kung magkano ang sukli at pera, tas babalikan nya o kapag nakalimutan ipapakita mo lang ang likod ng tiket maalala nya. Ganun ang legit na kundoktor. Kaya payo ko lang sa inyo, kapag aalis ang kundoktor at pupunta sa harap pagkatapos nyo magbayad at di kayo sinuklian agad, pasulatan nyo yung likod ng ticket. Kahit di na sabihan matik susulatan yan. Pero kapag lumayo agad tas tapos na maningil at di pa kayo nasuklian at wala sulat ticket nyo, wag nyo na patagalin remind nyo agad2x.”

Basahin ang buong post sa ibaba:

"Be aware , bagong modus ito ng mga bus conductors . sumakay kami ng Bachelors bus from Manikling to Tagum , bali tig 100 , total 200 lahat at binigyan kami ng dalawang ticket . binigay ko sa kanya 500 , nag - antay kami ng matagal, kaya gnawa ko , sinita ko ang conductor kung saan sukli nmin . sabi nya ng pasigaw , 200 lng daw binigay nmin . grabi ka , huwag mo kming lokohin . 

"nkipag pag -away na cya sa amin , ayaw talaga nyang bigay ang sukli . mahirap lng po kami . pamasahi nmin dapat pabalik , student po kami . salbahi at hinayupak kang conductor ka . naki usyoso na rin ang ibang pasahero kc over price din ang etini ticket sa kanila at yung iba kulang din ng sukli . akala nmin kmi lng nabiktima nya , dami , ang ingay na ng bus dahil nagsigawan na . sana madakip ang manlolokong ito at makulong , marami pa syang mabiktima . paki share po pra malaman ng lahat at mabasa ito ng pamunuan ng Bachelors Bus 😡 .."

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.