Koko kay Trillanes: “His baseless opinion doesn’t justify a response. Sayang oras ko”



Baliwala kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang argumento ni Senator Antonio Trillanes IV ukol sa kanyang kakayahan o ‘kwalipikasyon’ para kumandidato muli bilang Senador sa susunod na halalan.
Ayon kay Pimentel, hindi naman abogado si Trillanes para makapag husga at wala din naman umanong makatwirang dahilan ang mga puna nito.
Nauna nang nagpahayag ng kanyang opinyon si Trillanes gamit ang kanyang Twitter account na bagamat halos dalawang taon lamang ang napagsilbihan ni Pimentel sa unang Termino ay hindi na umano kwalipikado ang Senador na kumandidato pa muli sa darating na Halalan 2019.




Malinaw aniya na nakasaad sa konstitusyon na may hanggang dalawang termino lamang ang ikatatagal ng bawat senador sa kanyang pwesto.

Diin naman ni Pimentel, magsasayang lamang siya ng oras kung papatulan niya pa si Trillanes kaya mas minabuti pa ng Senador ng manahimik na lamang.

Ngunit sa isang text message nito sa mga kaukulang tagapagbalita pinaraan ang kanyang pahayag na nagsasabing “Ahem. Sen. Trillanes is not a lawyer. So his baseless opinion doesn’t justify a response. Sayang oras ko,” aniya.




Noong nakaraang Martes lng nagpahayag si Pimentel na malakas ang loob nito na papayagan siyang tumakbo sa susunod na halalan at kapag palarin ay hindi din umano siya tatanggi pa tumakbo hanggang pangatlong pagkakataon.

Handa umano ang Senador sa lahat ng posibleng ibatikos sa kanya ng oposisyon particular na ang kanyang naturang kwalipikasyon.

“But since is politics, this is national politics, I’m also ready that upon filing, it will be questioned." banggit ni Pimentel.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.