Kawawa ang mga Pinoy kung matuloy ang impeachment kay Sereno - Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao



Naghahanda na ang ilang senador para sa napipintong impeachment trial ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Dahil dito, nagbigay naman ng pahayag si Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao tungkol sa na isyung ito.

Sinabi ni  Bag-ao na hindi lamang si Sereno ang kawawa kapag tuluyan na itong patalsikin kundi pati ang buong sambayanang Pilipino din kung walang kokontra sa maling proseso ukol dito.
Nanindigan ang kongresista na malinis ang pangalan ni Sereno at wala naman talagang rason para patalsikin sa pwesto ang punong mahistrado.

Si Bag-ao ang isa sa dawalang kongresista na kumontra sa probable cause sa impeachment case laban sa punong mahistrado kung saan 38 naman na mga kongresista ang pumabor.




Inihayag din ni Bag-ao na tutol ito sa impeachment ni Sereno sa kadahilanang wala naman diumanong napatunayan si Atty. Larry Gadon sa kanyang reklamo kundi samaan ng loob lamang ng mga Supreme Court Justices.

Ayon pa sa Dinagat Rep. ang akusasyon kay Sereno na pagbili ng mamahaling sasakyan ay napatunayang Korte Suprema pa rin ang nagmamay-ari nito at hindi kay Sereno.

Ayon kay Bag-ao, hindi lang si Sereno ang kawawa sa naging desisyon ng 38 na pumabor para patalsikin ang punong mahistrado kundi kasama dito ang buong sambayanan.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.