“Hilaw pa si Bong Go kung Senado agad ang pupuntiryahin” - Tony Katigbak



Sa kasalukuyang pahayag ng beteranong manunulat na si Tony Katigbak sa isa niyang lathala na kinabibilangan ng The Philippine Star, ipinamahagi nito ang kanyang sariling opinyon ukol sa pag takbo ni Special Assistant to the President, Christopher Lawrence T. Go, o mas kilala sa pangalan na Bong Go bilang Senador sa darating na Halalan.
Bagamat wala pang pormal na desisyon, ‘konting himas pa’ di umano at mapapasagot na ng isang matamis na ‘Oo’ ang malapit na Kalihim ng Pangulo lalo ngayon na maraming nagpapahiwatig ng mainit na suporta karamihan mula sa kapwa kasamahan nito sa Gabinete.
Kabilang na ang anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sarah Duterte na una nang nag pahayag ng kanyang suporta para kay Bong Go.




Ayon sa may akda, ‘biglang nagbago’ di-umano ang ihip ng hangin nang muling tinanong si Bong Go at sinabing bahala na raw ang Presidente kung papayagan siyang tumakbo para sa Senado.

Komento ni Katigbak, hindi naman daw sa pag mamaliit pero “hilaw pa si Bong Go kung Senado agad ang pupuntiryahin” kahit malawak na, aniya, ang nalalaman tungkol sa pulitika o gaano na katagal ang panunungkulan niya sa Pangulo. 

Aniya, marami pang karanasan ang kailangan tahakin para mabigyan ng sapat na katarungan ang pag hirang nito bilang Senador. Wala naman daw masama kung sa mababang puwesto ito magsimula.




Dagdag ni Katigbak, hindi malayong kumandidato sa Senado si Bong Go sa dami ng humihimok sa kanya ngunit sana raw ay pag isipan niya daw muna ito ng sampung beses o higit pa dahil hindi dahilan ang pagiging malapit nito sa Pangulo ang tanging ugat ng pagka panalo niya.

Minsan nang nasangkot si Bong Go sa usaping pinaki-alaman di-umano niya ang pangangalakal ng ating Hukbong Pandagat sa mga makabagong Pragata bilang bahagi ng modernisasyon ngunit nadepensahan nito ang sarili sa isang pandinig na ginawa sa Senado at napatunayang ito’y isang ‘fake news’ lamang.




Tinaguri-an din siya bilang isang ‘Presidential Photobomber’ at pambansang ‘Selfie King’ na nagpa-unlak ng kanyang imahe sa mundo ng showbiz sa bansa.

Tinapos ni Katigbak ang kanyang pahayag na nagsasabing mahihirapan umano si Pangulong Duterte na makahanap pa ng kagaya ni Bong Go sakaling ito ay na iluklok na sa Senado.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  philstar.com

No comments

Powered by Blogger.