Higit P133-M tax evasion case, isinampa laban sa online news site Rappler



Kinahaharap ngayon ng online news site na Rappler o Rappler Holding Corporation ang kasong kriminal matapos sampahan ito ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DoJ).

"As a consequence of its acts and omissions, the aggregate tax liability of RHC amounted to P133,841,305," pahayag ng BIR.

Mula 2015 ay aabot sa P133.8 million ang hindi nabayarang buwis kasama na dito ang income tax at value added tax ng nasabing news site.

Sinabi ng BIR na malinaw na lumabag ang Rappler sa sa sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 dahil bigo ang mga ito na magbayad Income Tax Returns (ITR) at Value Added Tax (VAT).



Kasama namang sinampahan ng kaso ang CEO at presidente ng Rappler na si Maria Ressa at treasurer nitong si James Bitanga.

Dahil din sa paglabag sa section 257 ng Tax Code, kasamang kinasuhan ang Certified Public Accountant (CPA) na si Noel Baladiang ng R.G Manabat and Co.,

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.