Gov’t official, staff nagmilagro sa Palasyo



Sa hindi inaasahang pagkakataon, nabisto ng isang rumorondang SG ng Malacañang ang kahalayang ginagawa ng isang Assistant Secretary at ng kanyang staf sa loob mismo ng palikuran.
Ayon sa Balitang akda ni Bella Cariaso ng Bandera, na-aktuhan umano ni mamang Sekyu ang ‘wagas na pagmamahalan’ ng dalawang opisyal nang makarinig ito ng kakaibang pag iingay sa CR habang ginagawa niya ang naturang madalas na pag ronda sa lugar.
Wala pang na-iulat na sumunod na kaganapan bukod pa sa pangyayari ngunit pinagpiyestahan ngayon, di umano, ang kontrobersiyal na opisyal at staf na sadyang hindi nagbigay galang sa lugar na kanilang pinapasukan.




Marami ang nagtaka kumbakit pinilit pang sa CR tugonan ang ‘tawag ng laman’ na sa gayo’y mayroon namang sariling opisina.

ANG SAGOT – Nais nilang umiwas sa naka-umang na CCTV sakaling mahagip ng Camera ang pagmimilagro nila.

Aniya, “Hanggang sa labas lang kasi ng CR ang abot ng CCTV at bawal sa loob”.

Bagamat mahigpit ang pag-papasok sa gusali, nagulanta na lamang ang marami nang may naulinigang ganitong uri ng iskandalo. Ngunit, ilang beses na din naman pala nasangkot sa ibang kontrobersya ang opisina na kinabibilangan ng Assistant Secretary.




MARYOSEP! Hindi na din naiwasang maitanong ng madlang people kumbakit hindi nalang nagpunta sa isang pribadong lugar gaya ng Motel para maisakatuparan ang hangarin ng dalawa. Yun pala, may mga sarili din silang asawa.

Ang pangyayaring kagaya nito ay dapat mabigyan pansin ng kanilang mga kalihim pati na rin ng Civil Service Commission.

Kaya ang panghuling tanong ng marami, mabibigyan ba ng kaukulang kaparusahan ang dalawa dahil sa kanilang ginawa?

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.



No comments

Powered by Blogger.