URC na pag-aari ng Gokongwei, sinadyang magtapon ng toxic waste sa Bais Bay



Kasalukuyang iniimbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), gayundin ng pamahalaang lokal ng Bais City, Negros Oriental ang Universal Robina Corporation (URC) na pag-aari ng pamilya Gokongwei, matapos ang diumano’y “intentional” o sinadyang pagtatapon sa Bais Bay ng toxic waste ng ethanol plant.
Dahil dito nakipag-ugnayan na ang URC legal counsel na si Laurinda Rogera kasama ang operations manager na si Arnel Palma kay Bais City Mayor Mercy Goñi para magbigay ng update sa itinapong dumi ng kanilang planta.
“An investigation is being conducted to know the identity/identities of the person/persons responsible,” pahayag ni Elmaco sa Philippine News Agency.




Ayon kay Rogera, nakontrol na umano nila ang pagkalat ng toxic waste at walang namatay na isda sa Bais Bay dahil sa nangyari.

Tiniyak naman ng pamahalaang lokal ng Bais City na magkakaroon ng masusing pagbabantay sa nasabing lawa upang matukoy kung gaano kalawak ang pinsalang idinulot ng pagtatapon ng dumi.

Kasama sa pagsusuri ng Environment and Natural Resources Office ang pagkuha ng water samples upang maisailalim sa laboratory testing.

Tumulong din ang mga tauhan ng Environmental Management Bureau upang magsagawa ng pagsusuri mula sa Bais Bay.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  abante.com.ph

No comments

Powered by Blogger.