Duterte Gov’t, bibigyan ng "Pensyon" ang mga magsasaka at mangingisda



GOOD NEWS! – Isa na namang magandang balita para sa mga kababayan nating maralita partikular na ang mga retiradong magsasaka at mangingisda.
Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng administrasyong Duterte kung paano makakapaglaan ng angkop na sustento sa binabalak nitong pamimigay ng pension sa mga mangingisda at magsasaka.
Eksklusibong ini-ulat ng DZRH Network News ang kanilang panandali-ang panayam kay Department of Agriculture Secretary Manny Piñol ukol sa pagsiwalat ng planong ito.

Napuna umano ni Secretary Piñol na walang Pensyon sa kanilang pagtanda at ‘retirement’ ang mga magsasaka at mangingisda hindi gaya ng mga empleyado sa pribadong sector at sa gobyerno. 




Dahil dito, inatasan umano ng Kalihim ang Philippine Crop Insurance Corporation na pag aralan na ‘kung paano mabibigyan ng pension ng mga retiradong manggagawa sa food supply ng bayan’.

Ayon kay Secretary Piñol, mahalagang bagay na mabigyan kahit man lang ng panggastos para sa kadalasang dumadaing ng rayuma at iba pang sakit ang mga bayaning nagbungkal ng lupa at pumalaot para mangisda sa loob ng matagal na panahon.

Sinabi ni Piñol sa kanyang panayam na: "Alam naman nating tayong taga-gobyerno meron tayong GSIS, diba? Pag retire natin, pag medyo malambot na yung tuhod at nagkaka-rayuma na, mayroon tayong pensyon maski papaano, kahit na kaunti mayroon tayong natatanggap. Yung pribadong sektor naman na trabahante meron SSS. Pero yung magsasaka at mangingisda sabi ko nga ang meron sila "tiis-tiis". Wala talaga eh, maski pambili ng gamot ng rayuma pagktapos ang mahabang panahon na pagsisilbi sa bayan, pagpaparami ng pagkain at panghuhuli ng isda eh naiiwang kawawa yung ating magsasaka at mangingisda."




Masaya ring ibinalita ng Kalihim na kasalukuyang umarangkada na ang pagbibigay ng Insurance sa mga magsasakang magbabayad ng piso kada araw o Php 360.00 kada taon.

Tinatayang 400,000 na mangingisda at magsasaka umano ang makikinabang sa ilalim ng Insurance System.

Panoorin ang video sa ibaba:


***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.