Dayaan sa 2016 elections dapat imbestigahan - Leni



Ayon kay Vice President Leni Robredo, kailangang imbestigahan kaagad ang inilutang na daayan sa 2016 elections ni Senator Tito Sotto.
Ayon sa naging pahayag ni Robredo, seryosong bagay ito kaya dapat ay agarang malaman kung ano ang katotohanan sa alegasyon ni Sotto dahil apektado diumano dito ang electoral process mula sa Pangulo hanggang sa konsehan.
Sinabi din ni Robredo na ang pagkuwestyon sa integridad ng nakaraang eleksyon ay pagkuwestyon din sa panalo ng bawat kandidato.

Dahil dito, nais din umanong malaman ni Robredo ang paliwanang ng ng Commission on Elections (Comelec) kung may katotohanan ang alegasyon.




Sinabi rin nito na magkaiba ang impormasyong isinuwalat ni Sotto sa mga naging akusasyon ni dating senator Bongbong Marcos sa electoral protest nito laban sakanyang pagkapano bilang Bise Presidente.

Matatandaang ibinulgar ni senator Sotto ang dayaan sa automated balloting ay may diumanong tatlong senador na na-zero o walang kahit na isang natanggap sa boto sa ilang presinto.

Iminungkahi din ni Robredo na dpat ay mga independent body na walang impluwensya sa pulitika ang dapat tumingin sa naging alegasyon ni senator Sotto.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  philstar.com

No comments

Powered by Blogger.