CHED OIC De Vera: Ang credit sa free tuition ay dapat mapunta kay Pangulong Duterte



Sa video na ibinahagi ni PCOO Asec. Mocha Uson, nilinaw ni Commission on Higher Education (CHED) officer-in-charge Prospero De Vera na dapat mapunta ang “credit” kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang libreng edukasyon para sa mga state colleges.
Ayon kay De Vara, dahil si Pangulong Duterte lamang ang nangahas na isulong ang batas na ito ay dapat lang na mapunta sakanya ang credit ng libreng edukasyon sa bansa.
“Kaya ang credit dito ay talagang mapunta sa presidente dahil siya ang nangahas na subukan yung hindi sinubukan ng maraming nakaraang pangulo sa Pilipinas,” saad ni De Vera.




“Itong RA 10931 ang pinakamahalagang social justice legislation sa ating higher education. Kasi hindi na bagong ideya ito. Matagal ng hinihiling ng mga estudyante, ng mga pamilya na ilibre ang mga estudyante sa tuition at miscellaneous fees. Ang kinaiba lang noong nakaraang panahon, laging sinasabi, ‘hindi pwede, hindi kaya’. Ang pinagkaiba, nagkaroon ng Presidente Rodrigo Roa Duterte na sinabi niya, ‘gawin natin’, kaya nangyari sa administrasyong ito,” dagdag pa niya.




Paliwanag ni De Vera, ang batas na ito ay matagal ng isinusulong ng ilang senador ngunit  hindi ito naisakatuparan sa mga nagdaang pangulo dahil hindi raw umano ito kaya sa kadahilanang malaking pero ang ilalaan dito.

“Lahat naman ng dating pangulo binigyan ng pagkakataon na gumawa ng batas na ganyan. Ang kinaiba, ginawa sa administrasyong ito.”




Kahit noong panahon ni Aquino, hindi ito naisakatuparan dahil wala umanong sumuporta sa libreng edukasyon.

Panoorin ang video sa ibaba:



***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.