Budget sa MRT-3, one third lang ang ginamit, pinaghati-hatian ang natira



Pinaghati-hatian umano ng nakaraang administrasyon ang inilaang budget para maintenance contract ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3, ito ay ayon sa Malacañang.
Sa naging talumpati ni Presidential­ Spokesman Harry Roque, ibinunyag nito na meron hawak na mga wistleblower ang gobyerno kung saan ibinunyag ng mga ito ang mga katiwalian ng dating Pnoy administrasyon.
Ayon diumano sa mga wistleblower, pinaghati-hatian ang inilaang pondo at kung paano ang hatian sa kontratang pinasok sa Busan Universal Rail Inc. (BURI), ang dating maintenance provider ng MRT-3.




Sinabi ni Roque na ang ‘Pangasinan Group’ ang nakakuha ng one third ng kabuuang ibinayad sa kontrata na ginamit umano sa political machinery habang ang one third pa ay napunta para sa maintenance ng MRT-3.

Dahil dito ay pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Solicitor General Jose Calida ang pagasikaso sa kasong ito at sisiguraduhing may mananagot sa nangyaring kurapsyon ng nakaraang administrasyon.

“Maniwala kayo at hindi ang sabi ng whistleblower ay one third daw nu’ng total na binabayad natin para sa kontratang ito ay napupunta lang doon sa Pangasinan Group ‘no. Tapos one third daw ay diumano ay binabayad din sa political machinery at one third lang talaga iyong napupunta para sa pag-maintain ng MRT-3.” ani Roque.

“Talaga namang kapag one third lang sa binabayad ang ginugugol para sa MRT-3, talagang masisira iyan at makalintik-lintik gaya ng nangyayari ngayon,” dagdag ni Roque.




Dahil sa mga naging testimonya ng mga whistleblower ay kinukumpleto na ng gobyerno ang mga documentary evidence upang magkaroon na ng linaw kung paano pinagpiyestahan ang inilaang pondo para sa MRT-3.

Sinabi rin ni Roque na tatlong dating opisyal lamang ang hahabulin sa korte dahil sila lang umano ang gumawa ng ng kababalaghan sa MRT-3.

“Sila lang po. Kasi sila talaga ang lahat ng gumawa ng kababalaghan diyan sa MRT-3,” dagdag ni Roque.

Ang tinutukoy ni Roque na tatlong dating opisyal ng gobyerno ay sina dating Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretaries Mar Roxas, Joseph Emilio Abaya at dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio ‘Butch’ Abad.

***


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  abante.com.ph

No comments

Powered by Blogger.