Bello: Ang CHR dapat mas focus sa OFW abuse kaysa sa war on drugs



Pinasaringan ni Labor secretary Silvestre Bello III ang Commission on Human Rights (CHR) dahil sa kawalan ng aksyon sa mga kasong pang-aabuso sa mga overseas Filipino workers (OFW).
Ayon naman kay ABS Party-list Rep. Eugene De Vera, sakop ng CHR na imbestigahan ang mga kaso ng human rights abuse sa mga OFW.
“How about the CHR, do they touch base with you? Because under their Constitutional mandate, they are also mandated to investigate human rights abuses even of Filipinos residing abroad,” ani De Vera.

Sinangayunan naman ito ni Bello dahil hanggang ngayon ay hindi parin nakikipag-ugnayan ang CHR sa Department of Labor and Employment (DOLE) partikular kaso ni Joanna Demafelis.




“Iba kasi yung focus nila (CHR). Yung war on drugs kasi fino-focus nila. Dapat yung focus nila drugs, hindi war on drugs; the rights of our workers. They should be protected. Hindi naman sila nagco-contact sa amin. I supposed they’re doing their part.”

Balak naman umano ng pamahalaan na i-deploy na lang ang mga OFW sa mga bansang may tiyak na proteksyon sa mga overseas workers.




Ipinag-utos naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi muna ili-lift ang deployment ban sa Kuwait hanggang hindi nakakamit ang hustisya sa pagkamatay ni Demafelis.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.