Aguirre hindi mananalo kung tatakbong senador - Ramon Tulfo



SUNTOK SA BUWAN - Ayon sa report ng kolumnistang si Ramon Tulfo, sa kabila ng pag-basura sa kasong droga laban sa mga lantad na drug dealer na si Kerwin Espinosa, Peter Lim, at iba pa, Justice Secretary Vitaliano Aguirre – nagpahiwatig di-umano, na kakandidato bilang SENADOR sa darating na 2019 Midterm elections.
Subalit, ayon sa isang insider sa Malacañang, malabo umano ang kapalaran ni Aguirre na makakuha ng posisyon sa Senado. Iginiit nito, ramdam kasi ni Aguirre na tila nais na siyang sibakin ni Pangulong Duterte.
Pero kung siya lang aniya ang masusunod, nais pa umano nitong magpatuloy sa panunungkulan bilang Justice Secretary.

Ibinulgar din ni Tulfo na isang Palace insider ang nagsabi sakanyang asar na asar si Pangulong Duterte kay Aguirre at sinabing “Sana’y tumakbo siya sa pagka-senador at matalo,”.




Maliban sa pag basura ng kasong droga kina Espinosa at Lim kung saan maraming kongresista kabilang na ang Pangulo at si VP Leni, ginalit din umano ni Aguirre ang mga Cebuano nang dinawit nito sa isyu ng droga ang kasalukuyang Cebu City Mayor na si Tommy Osmeña.

Sinabi rin ni Tulfo na kung malabong manalo sa Senatorial race si Aguirre, mas lalong Malabo di-umano ang pagkakapanalo nito kung tatakbong Gobernador ng Quezon.




Ayon din sa report ni Tulfo, mangangampanya daw ang lahat ng kamag-anak ni Aguirre laban sa kanya.

Isiniwalat din ng pinsan ni Aguirre kay Tulfo na “Mas yumabang siya nang maging secretary of justice,” ayon dito.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Source:  bandera.net

No comments

Powered by Blogger.