Sumugod na mga nanay, exaggerated at kulang sa impormasyon – Garin


Nito lamang nakaraang araw ay lumabas sa balita ang nangyaring pagsugod ng mga magulang ng mga batang nabakunahan ng dengue vaccine na Dengvaxia kay dating Health Sec. Janet Garin.
Hindi napigilan ng mga magulang na sugurin si garin matapos magpangabot sa labas ng bulwagan pagkatapos ng pagdinig sa Kamara.

Naglabas naman ng pahayag si Garin tungkol sa nangyaring pagsugod sakanya ng ilang mga magulang ng mga batang nabakunahan ng dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay Garin. ikinalulungkot nito ang nangyari, at sinabi nito na kaya raw galit na galit sakanya ang mga magulang dahil sa maling impormasyon na kanilang natatanggap tungkol sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccination program.

Sinabi rin ng dating Health secretary na ito ay bahagi lamang ng “exaggeration” sa issue tungkol sa Dengvaxia.

“Kung gagawin yun sa mga doktor na nagtatrabaho, sa opisyales ng departamento, at sa mga kasamahan natin sa health sector eh paano naman po ang taong bayan?

“Because at the end of the day, the ultimate victims of misinformation, the ultimate victims of people calling for panic and making this whole issue exaggerated, ang biktima rito pagdating nga panahon Pilipino parin at taumbayan,” ani Garin.

“Naiintindihan ko kung baka sakaling ‘yung nanghampas at nanuntok sa akin kung talagang nanay siya ng bata. Pero ang hindi ko naiintidihan ‘yung mga tao na may konsensya na gawin ito na ‘yung biktima na namatayan na nga eh lalo pang bibiktimahin,” wika pa ng dating kalihim.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.