Smuggled luxury cars sa BoC, pa-bulldozer ko sa Martes - Duterte


Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipapadurog nito ang mga mamahaling sasakyan o mga smuggled luxury cars na nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa darating na Martes.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ang mga smugglers din ang nakikinabang kapag nagkaroon ng auction sa mga smuggled na mamahaling sasakyan dahil sila ang nakakaalam kung kailan ang subastahan at sila ang may perang pambili.

“Marami kayong kotse, pagkatapos pag auction, bigyan kayo ng papel ligal na mura pa. so ang gawin ko, ngayong Tuesday, manuod kayo sa pera nyo” saad ng Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na pambabatos ito sa mga Pilipino dahil matapos ang auction ay pwede nang ibigay ng smugglers ang papeles at magiging ligal na ang pagmamay-ari ng sasakyan na binili sa mas murang halaga.

“So ang gawain ko, ngayong Tuesday, manood kayo sa pera ninyo. Kay tanang luxury car na gi-import, paligsan ko na ug tractor. I-bulldozer ko na karong Tuesday. Giignan na nako si Sid. Ayaw na ibaligya kay mao ra gihapon. Sila ra may makinabang, sila ra maoy gihapon ang mag-atang. Legal pa, mura pa, kay auction,” ani Pangulong Duterte.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, na dahil sa mga ginagawang aksyon ng Pangulo upang labanan ang smuggling lalo na sa katiwalian ay nagpapatunay lamang ito na seryoso ang pamahalaan sa pagpuksa sa mga ganitong gawain.


***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.