Sen. Pacquiao, tutubusin ang nakasanlang lupa ni Demafelis


Hindi maiwasang maging emosyonal si Senador Manny Pacquiao sa isinagawang Senate hearing tungkol sa mga pang-aabuso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), partikular na ang kaso ni Joana Demafelis.
Paliwanag senador, hindi nito maiwasang maging emosyonal dahil ramdam nito ang paghihirap na dinaranas ng mga kapos palad dahil naranasan din niya ito.
“Ang sama ng loob ko. Galing kasi ako sa mahirap, kaya ‘yung paghihirap ng mahihirap na tao, nararamdaman ko ‘yun. Dahil pati ari-arian nila sinangla nila para maka-abroad.” sabi ni Senador Pacquiao.

Dahil dito, upang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutang nararamdaman ng pamilya Demafelis, nangako ang senador na tutubusin nito ang nakasanlang lupa ng magulang ni Joana.

“Mr. Secretary, ‘yung problema ng magulang niya na nasangla ‘yung lupa, pakisabi po ako na mag-[babayad] doon sa sangla ng lupa niya,” saad ni Pacquiao.

Bilang tulong naman ng Gobyerno ni Pangulong Duterte ay nakatanggap ng P600,000 na cash assistance ang pamilya Demafelis.

Pinangakuan din ng pamahalaan na tatapusin ang ipinapatayong bahay ng pamilya Demafelis.

Dahil dito, bumuhos naman ang paghanga ng ating mga kababayan sa ipinakitang kabaitan ni sen. Pacquiao at ng administrasyon ni Duterte.

Basahin ang mga nakakatabang komento ng ating mga kababayan sa ibaba:

Doren Saa:  Sir manny di man kita ka ka ano ano at si Demafelis, pero I sincerely na iyak sakabutihan ng puso mo sir sa mga taong katulad namen. Sir manny salamat kaayo sir.

Ana Rollen: Sir manny naiyak ako dahil tinulungan mo yung kabayan natin na si joana. Isa kang mabuting tao Na hulog ng dios para amin.

Sophie Paculba Tameyat: maraming salamat Senator Manny pacquiao.. sana po matularan kayo ng ibang tao nakaupo sa gaverment... God bless you po .. napakabuti ng iyong puso....

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.