Piolo nabulabog sa mga pasabog ni Mark sa ginawang libro; pati si KC nadamay din


Napakarami nang personalidad na nadadamay sa librong sinulat ng singer na si Mark Bautista kahit hindi pa ito lumalabas sa publiko.
Ayon sa isang bahagi ng kanyang sinulat na libro, sinasabing may nangyari sa kanila ng kanyang bestfriend na lalaki at doon na nagsimulang mabulabog ang mundo ng hunk actor na si Piolo Pascual.
Kahit pa maraming taon na ang lumipas ay hindi parin mamatay-matay ang tsismis na may malalim na ugnayan ang dalawang showbiz personality na ito.

Wala namang binanggit na pangalan sa libro basta bestfriend lang ito ni Mark Bautista.

Noong naghiwalay si Piolo at ang anak ni Sharon Cuneta na si Kc Conception ay si Mark Bautista kaagad ang pinagbintangang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Isang dahilan daw iyun kaya naghiwalay ng TV network ang dawala at nagkasundong maghiwalay ng kani-kanilang istasyon.

Wala namang nagsalita sakanilang dalawa tungkol sa isyung ito ngunit ang publiko na ang nag-connect the dots.

Dahil pa-blind item ang atake ng isinulat ni Mark ay hindi naman makapagdepensa ng kanyang sarili si Piolo sa mga naglalabasang istorya.

Dahil sa pagpapakatotoo ni Mark sa kanyang damdamin, mas dumami pa ang sumuporta sa kanyang sinulat na librong pinamagatang “Beyond The Mark,”.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.



No comments

Powered by Blogger.