PAO Acosta sa Dengvaxia: Hindi ito drama


Sinabi ni Public Attorney’s Office chief Persida Acosta na hindi nagdadrama at totoo ang sakit na nararamdaman ng mga magulang ng mga batang naturukan ng anti-dengue vaccine Dengvaxia.
"Drama? This is not drama, my God! People are crying in front of the dead children. This is not a drama! Sino ba gumawa ng drama? Sanofi, Dr. [Janette] Garin. Alam niyo na 'yung adverse reaction tapos nag-mass vaccination pa kayo?" Sabi ni Acosta.
Dahil sa masamang epekto sa tao ng nasabing Dengvaxia, inireklamo ng PAO si dating Health Secretary Garin, pharmaceutical company Sanofi Pasteur at distributor ng Dengvaxia sa bansa na Zuelig Pharma Corp.

Kamakailan ay sinugod ng mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia si Garin ng magpangabot sa labas ng bulwagan pagkatapos ng pagdinig sa Kamara.

Naglabas naman ng pahayag si Garin tungkol sa nangyaring pagsugod sakanya ng ilang mga magulang ng mga batang nabakunahan ng dengue vaccine na Dengvaxia.

Sinabi rin ng dating Health secretary na ito ay bahagi lamang ng “exaggeration” sa issue tungkol sa Dengvaxia.

“Kung gagawin yun sa mga doktor na nagtatrabaho, sa opisyales ng departamento, at sa mga kasamahan natin sa health sector eh paano naman po ang taong bayan?

“Because at the end of the day, the ultimate victims of misinformation, the ultimate victims of people calling for panic and making this whole issue exaggerated, ang biktima rito pagdating nga panahon Pilipino parin at taumbayan,” ani Garin.

“Naiintindihan ko kung baka sakaling ‘yung nanghampas at nanuntok sa akin kung talagang nanay siya ng bata. Pero ang hindi ko naiintidihan ‘yung mga tao na may konsensya na gawin ito na ‘yung biktima na namatayan na nga eh lalo pang bibiktimahin,” wika pa ng dating kalihim.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  philstar.com

No comments

Powered by Blogger.